21: La doncella (Ang kasambahay)

51 5 0
                                    

[Kabanata 21: La doncella (Ang kasambahay)]

Verona Valdecisimo

🌹

Inilibot kami ni Madre Olivera sa buong kumbento. Nakita namin ang kusina, mga silid, altar, at may kinalaman sa pag aaral sa pagiging isang madre. Ito rin ang magiging tahanan namin sa loob ng anim na buwan hanggang dalawang taon bilang isang noviciado o novitiate period. Kapag nalampasan ng kapatid ko ang dalawang taon na iyon ay maaari na siyang tumanggap ng banal na panata (solemn vows).

Matapos no'n ay ipinakita na niya ang magiging silid namin. Pinakiusapan namin siya na sa isang kwarto na lang kami at pumayag naman siya.

Pumatak ang oras sa ika-tatlo ng hapon, lahat kami ay inanyayahan niya sa altar upang manalangin sa ika'tlo ng hapon. Matapos no'n ay nagturo siya ng mga dasal at tamang kilos ng mga kababaihan na natapos naman noong ika-anim ng hapon.

Maaliwas ang buong kalangitan, ang mga babae ay nasa labas bitbit ang dala-dala nilang mga bayong upang bumili ng panghapunan. Naatasan naman si Princesita na bumili na ng aming hapunan ay kailangan niyang bumalik bago mga alas-sais y media ng hapon upang lutuin ang kaniyang pinamili.

Sa ngayon ay naghihintay lang kami sa aming sari-sariling silid. Nagbabasa ng libro si Carla habang ako naman ay nakatanaw lang sa masiglang kalye ng Maynila. Ang lahat sa kanila ay nagkakamustahan ay ang ilang mga mayayamang pamilya ay nakasakay sa kanilang magagarbong kalesa patungo sa kani-kanilang paroroonan.

May kumatok sa aming pintuan at pinagbuksan naman ito ng kapatid ko. "Inanyayahan na po kayo na magpunta na sa hapag, naluto ko na po ang pagkain." Ngiti ni Princesita at yumuko sa amin bago umalis. Nagtataka naman ako kung bakit siya lang ang kasambahay rito sa kumbento.

"Ah... sandali! P-Princesita..." Napalingon siya sa akin.

"Ano po iyon, Señorita Verona?" magalang niyang sambit.

"I-Ikaw lang ba ang kasambahay rito sa buong kumbento? Hindi ka ba napapagod?" Napangiti naman siya. "Sa totoo po niyan, tama po kayo... wala po sa aking bokubularyo ang salitang pagod. Hindi mabubuhay ang aking pamilya kung aasa lang po ako ama, isa po siyang magsasaka sa hacienda Alcaraz at may sakit naman po sa paningin ang aking ina, nag-iisa lang po nila akong anak kaya kailangan ko pong kumayod para makakain man lang kami sa buong magdamag, sapat na po sa akin ang maging ganito na lang habambuhay, hindi ko rin naman po inaasam na maging isang mayaman, sapagkat batid ko na aalipustahin lang ako ng taumbayan. Maswerte na po ako kung makakain ang aming pamilya ng tatlong beses sa isang araw, at saka tanggap ko na po ang kapalaran ko." Ngiti niya.

Hindi ako nakaimik, tumatak sa aking isipan ang masaklap niyang karanasan at ang kaniyang buhay. Gagawan ko ito ng paraan, susulatan ko si ama na maging kasambahay namin si Princesita, nang sa gayon ay mapagsilbihan niya ang aming pamilya lalo na sa akin. Hindi na ako makatatagpo pa ng isang tao na may mabuting puso na katulad niya.

"Sumunod po kayo sa akin, ihahatid ko na po kayo sa hapag." Biglang bumalik ang diwa ko. Napatango naman ako.

"Ate, ano ba'ng iniisip mo riyan dahilan upang mawala ka sa iyong sarili?" tanong ni Carla nang pabulong.

"Nais kong maging kasambahay si Princesita, nais kong pagsilbihan niya ako." Napatigil ng paglalakad si Princesita, mahina naman ang pagkakasabi ko sa aking plano kay Carla.

"T-Talaga po, señorita?" Kita ko sa kaniya ang buong galak. Napa-angat naman ang aking labi.

"Oo, pero hintayin mo muna iyon kung maaari, ipagbibigay-alam ko muna ito kay ama. Malapit ako sa pamilya Alcaraz at malapit lang ang aming hacienda sa kanila, siguradong matutuwa ang iyong ama kung doon ka na maninirahan sa amin at mawawala na rin ang iyong pangungulila," masayang balita ko sa kaniya.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now