7: Ang kababata

94 6 0
                                    

[Kabanata 7: Ang kababata]

Verona Valdecisimo

🌹

"Binibining Verona?!" saad ng pamilyar na boses.

Napalingon naman ako kung sino iyon. Napakurap naman ako ng dalawang beses.

"Julio? Julio Altares?! I-Ikaw na ba 'yan?!" Nagulat ako sa kan'ya.

Agad ko siyang nilapitan at kinurot ang kaniyang pisngi. Baka nananaginip lang ako.

"Ikaw nga! K-Kamusta ka na?! Kailan pa kayo dumating?!" sunod-sunod na tanong ko.

"Oh, dahan-dahan ka lang! Isa-isang tanong lang, mahina kalaban!" Napakurba naman ang kaniyang mga labi hanggang sa lumabas ang kaniyang mga ngipin.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago! Ang Julio na palabiro!" Ngiti ko. Dahil do'n ay lalo pang lumabas ang kaniyang mga mapuputing ngipin.

"Eto, mabuti naman. Kayo ba?" tanong niya.

"Ayun, si ina nagsilang sa bunso naming kapatid!" saad ko. "Oh! Nakakatuwa naman. Lalaki ba o babae?" tanong niya.

"Babae. Angelita ang pangalan," tugon ko. "Kay gandang pangalan naman."

Ang lalaking aking kausap ay walang iba kundi si Julio Altares. Dalawampu't-isang taong gulang, nakatira sa Hacienda Altares.

Kababata ko siya. Naalala ko pa, lagi kaming naglalaro sa lawa ng Jimala na nasasakupan ng kanilang hacienda. Mayaman sila kaya't madali kaming naging mag-kaibigan. Naikwento pa nga sa akin ni ina na kapag may problema at pinagdadaanan ka ay magtampisaw lang daw roon at mawawala ang iyong mga dinadala sa buhay. Pero may nabanggit din sa akin si ina na may alamat daw ang lawa na yaon...

May isang dalaga na ubod ng ganda at sinasamba ng lahat ng mga nasasakupan niya. Isa raw siyang prinsesa. Ang kaniyang mga magulang ay hindi normal na kagaya niya. Ang kaniyang ama ay kalahating leon at unggoy at ang kaniyang ina naman ay isang engkantada at mangkukulam. Kaya't nagulat ang lahat sa nabalitaan nila nang manganak ang engkantada. May isinilang na isang taong babae at pinangalanan nila itong Cleofe. Nakuha ni Cleofe ang ugali niya mula sa kaniyang mga magulang; Matapang at tuso na mula sa kaniyang ama at magandang pisikal na anyo na mula sa kaniyang ina.

Nagkaroon ng makulay na buhay pag-ibig ang dalaga sa isang binatang taga-igib lamang ng tubig sa kanilang lawa. Pero nang malaman ng ama ng dalaga ang ginagawa ng kaniyang anak ay nagalit ito.

Isang araw nakipagkita ang kaniyang anak sa binata. Sa galit nito sa binata ay agad niya itong sinugod at sinunggaban na agad na ikinamatay ng binata. Namatay ang binata ng 'di man lang nakapagtatapat ng totoong nararamdaman niya sa dalaga. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lubos na nagmukmok ang dalaga at hindi pinansin ng dalaga ang kaniyang ama simula noon. Naisipan nitong magpatiwakal dahil wala nang saysay ang buhay niya dahil wala na ang taong kaniyang iniibig. Dakong alas-dose ng tanghali sa puno ng mahogani na malapit sa lawa na naging malaking parte sa kanilang pag-iibigan. Sinabi niya ang mga katagang ito "Kung ako man ay mabubuhay muli ay hihilingin ko sa tadhana na ikaw parin ang aking mamahalin." At siya'y tumalon at namatay.

Mi Amor: Until the End ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя