34: Tagsibol ng pag-iibigan

34 3 0
                                    

[Kabanata 34: Tagsibol ng pag-iibigan]

Carla Valdecisimo Punto de Vista

🌹

ALAS-SIYETE ng gabi habang nagliligpit kami ng pinagkainan ay napansin ko si maestra na nakahawak sa sentido at tila ba'y nalililo (nahihilo). Hinawakan ko naman siya sa noo at nanlaki ang mata ko dahil tila baga'y nakahawak ako ng isang mainit na pugon! Nilalagnat si maestra! Kaya't ipinagbigay alam ko sa kanila ang kalagayan ni maestra. Nagbigay naman ng suhestiyon si Veronica na dalhin sa ospital si maestra.

Agad naming isinugod si maestra sa ospital. Habang nasa kalesa kami ay nasalubong namin si Heneral Julio na naglalakad. Pinahinto muna namin sa kutsero ang kalesa at sumunod naman ito. Tatlo kaming nakasakay dito kasama ang aming maestra na inaapoy sa lagnat.

"Mahal kong Veronica, napa'no si maestra?" Namulang kamatis naman si Veronica.

Pagbabalik-tanaw...

Veronica Del Valle Punto de Vista

Linggo ng hapon, kakatapos lang namin na magsimba. Napansin kong may tinawag si Carla na isang lalaki na nakasuot pangsundalo na kulay asul, may mahabang baril sa likod at may sumbrerong terno sa kulay ng kaniyang damit. "Julio! Ikaw na ba iyan?!" Napalingon ang heneral at nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha. "Carla?! Ikaw na rin ba 'yan?!" tawag ng lalaki na Julio pala ang pangalan.

"Oo, ako nga ito!" Maaliwalas pa sa sikat ng araw ang kaniyang mga ngipin na nakakaakit sa aking mga mata. "Grabe ang bilis ng panahon! Heneral ka na!" 'Di makapaniwalang wika ni Carla. "Oo nga eh, ikaw ba, ano'ng ginagawa mo sa buhay?" Nawala na ang mga ngipin niyang nakasilay at napalitan ng nakakurbang labi. Ba't ba 'di maalis ang aking tingin sa kaniyang mga labi?! Kainis!

"Heto, nag aaral sa kumbento. Maglilingkod sa simbahan paglaon." Napatango naman ang heneral. "Ah... Julio, si Veronica nga pala, kaibigan ko!" pagpapakilala niya sa 'kin.

"Magandang hapon, Binibining Veronica!" Yumuko siya't kinuha ang kaniyang sumbrero na kaniyang itinapat sa dibdib. Ibinalik niya sa ulo iyon at inilahad ang kamay nito at nagbitaw siya ng matamis na ngiti. Inabot ko naman ang kaniyang kamay.

Dug-dug, dug-dug, dug-dug.

Agad kong kinuha ang kamay ko, napaimpit naman siya ng tawa. Grabe ang bilis ng pintig ng puso ko! Tila ba may kuryente na dumaloy mula sa aming mga ugat! KYAHH!

"Ako si Julio, Julio Altares. Bente-uno anyos at nakatira diyan sa may kwartel!" pagpapakilala niya. Hindi pa rin maalis ang aking tingin sa kaniyang labi.

Inilapit ni Carla ang bibig niya aat mahinang bumigkas nang, "Huy! Kinakausap ka!" Nanlaki bigla ang mata ko at napawika na lang ng wala sa sarili, "Ah-ehh, A-Ako s-si Veronica D-Del Valle, b-bente anyos... taga San Sebastian Bulakan... k-kaklase ko po s-siya." Bakit ba ako nauutal?!

"Ikinalulugod kong makilala ka, ang ganda ng iyong pangalan, pero mas maganda ang aking bagong nakatagpo."

WAAHH! DIOS MÍO!

Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang pagdagundong nito na tila ba'y gusto na niyang makalaya sa kaniyang hawla!

"S-Salamat, ginoo." Napatakip ako ng bibig sa pag-aakalang namumula na ang aking mukha. "Pero alam mo ba kung ano'ng mas magandang mangyayari sa buhay ng isang taong kagaya mo?" Ngiti niya.

Napakunot ako ng noo.

"Ang mapasa'kin ka!" Napalingon siya sa malayo pagkaraang bitawan niya ang kaniyang tinuran.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now