38: "Ya tebya lyublyu!"

41 4 2
                                    

[Kabanata 38: "Ya tebya lyublyu!"]


Tadeo Alcaraz Punto de Vista


🌹


MATAPOS ng tagpo namin sa hospital ay iniuwi ko na siya sa kanilang hacienda. Binalot ko ng napakakapal na tela ang kaniyang sugat para hindi ito mahalata.

Nadatnan kong nagsusulat sa isang papel si Don Juan nang kami ay dumating. Napalingon siya sa amin at agad siyang nakapagbitaw ng isang nakamamanghang ngiti. Agad siyang lumapit sa amin at niyakap ng mahigpit ang kaniyang anak.

"Anak! Akala namin hindi ka na babalik!" Mahigpit na yakap ng ama. "Ako rin po! Akala ko po hindi na ako makababalik pa rito!" galak na galak na wika ni Verona.

Natutuwa ako na naalala pa niya ang lahat ng pagkakakilanlan niya... maliban sa akin. Napansin ko rin na marahang naglalakad si Donya Zarita malapit sa pinto ng matanaw niya kami, pati siya ay nagitla at napatakbo sa amin para magyakapan silang mag-anak.

"Ano ba'ng nangyari sa 'yo anak ko! Nag-alala kami sa pagkawala mo!" Habang pinipisil-pisil niya ang pisngi ng kaniyang anak. "Ayos lang po ako, ina. Natutuwa ako na makakasama ko na ulit kayo!"

Nakangiting nakatitig lang ako sa tagpong iyon. Natatawa ako sa aking isip dahil napaglaruan namin sila!

Napalingon sa akin ang Donya. "Ginoo, saan mo siya natagpuan? Napakabuti mo talagang tao. Dahil diyan, dito ka na maghapunan bilang pasasalamat namin sa iyong kabutihang loob." Ngiti ng Donya. Umakyat na naman sa aking buong katawan ang hiya. "Hindi na po, Donya Zarita. Ayos na po iyon." Sinubukan ko pang pigilin ang kaniyang balak pero nagpumilit pa rin siya.

Hindi ko napansin ang araw ay lumulubog na pala, napakaraming nangyari! Kaya't ang tiyan ko ay kumakalam na sa oras na ito.

"Ginoong Tadeo, halika na!" pag-aya niya sa 'kin, habang nakangiti.

Ang mga ngiting sa kaniya ko lang nakikita.

Ang mga ngiting nagbibigay sa akin ng pag-asa.

Pero ang ngiti niya ngayon ay walang kahulugan. Hindi ang ngiti na ibinibigay niya sa kaniyang mahal.

Iniisip ko na lamang na ang ngiting iyon ay darating at aasahan ko iyon sa oras na siya'y maalala na niya akong muli.

"S-Sige, binibini!" Kasabay no'n ang paghakbang ko papasok sa kanilang tahanan.


🌹


HAPAG

"Ama, kailan po ako babalik sa Maynila? Sigurado po akong labis na nalulungkot at nauulila na ang aking kapatid dahil wala ako doon," ani niya. Napapahid naman ang Don sa kaniyang bibig gamit ang isang panyo, saka nagwika, "Napakabait mo talagang bata, pero ika'y ikakasal kay Ginoong Tadeo." Napakunot naman ng noo si Verona. Kaya't minabuti ko nang sumabat, "Siguro po ay masyadong naging mabilis ang lahat. Maaari pa naman pong ilipat ang araw nito," suhestiyon ko at saka para na rin hindi na makapagsalita ng kung ano si Verona.

"Kung gayon," napahinga siya ng malalim. "ayos lang sa akin," pagpayag ng Don.

"Ang mahalaga ay ihaharap ko siya sa tapat ng altar ng buong-buong desisyon at handang-handa na kami!" saad ko. Napagalaw ang aking mata sa kinauupuan ni Verona nang hindi iginagalaw ang aking ulo. Balot ng pagtataka ang kaniyang mukha at lubos siyang nagugulumihanan sa kaniyang nauulinigan.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now