Ang Wakas

140 3 0
                                    

[Ang Wakas]


Verona Valdecisimo

🌹

NANG makarating na ako malapit sa hukuman kung saan siya nagtatrabaho, ay naratnan ko siyang may mga kausap na kapwa abogado rin. Maliit lang ang hukumang ito dahil ito'y itinuturing na isang mababang hukuman lamang.

Napakapit ako ng mahigpit sa bayong na aking bitbit. Kasabay ng pag-uwang ng aking mga labi dahilan para sumilay sa buong paligid ang aking mga mapuputing ngipin.

Nagmadali akong nagtungo sa kinaroroonan niya at nang maparoon na ako ay binati ko siya.

"Magandang tanghali, mahal ko!" Ngiti ko.

Napapihit siya sa aking harapan sapagkat sila ay nakatalikod sa akin kanina. Sumilay naman sa aking mga mata ang mga ngiti niyang nakapagpapahulog sa akin.

"Masarap na tinola para sa aking mahal!" masiglang wika ko.

"Salamat, mahal ko! Kumain ka na ba? Kung hindi pa, saluhan mo ako," anyaya niya sa 'kin.

"Kumain na ako sa ating tahanan. Siya, sige na. Halika na sa karinderyang iyon." Sabay turo ko.

Sumingkit ang mata niya dahil sa kaniyang ngiti. Napatango rin siya.

🌹

"DAHAN-DAHAN, mahal ko!" Hagikgik ko. Paano ba naman kasi, parang 'di kumain ng sanlinggo!

"Ang s-sarap mong m-magluto, mahal kwo!" sambit niya habang puno ang bibig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla kong nagunita ang ala-alang nasa pansiterya kami kasama si Doktor Clyde habang ganado silang kumakain ng pansit.

"Lunukin mo muna ang iyong nasa bibig!" Hagikgik kong muli.

"Tubig!" paghingi niya. Mukhang nahirinan na ang mahal ko!

"Manong!" malakas na wika ko. Lumapit naman ang lalaki na tinawag ko. "Maaari bang makahingi ng isang basong tubig."

"Masusunod po!"

"Kaunting hintay lang, Mahal ko." Kung kumain kasi! Napalala mo!

"'Eto na po ang... paumanhin, sapagkat wala kaming tubig. Tanggapin niyo na lang po ito. Kahit 'wag ni'yo na lang pong bayaran!" Sabay abot sa akin ng isang basong alak na gawa sa ubas.

"Maraming salamat po!" Ngiti ko. Napangiti rin ang lalaking sa tingin ko ay nasa apatnapung gulang na. Yumuko pa siya at kaniya kaming nilisan.

Inabot ko naman ang alak kay Tadeo. "Inumin mo, para makahinga ka nang maayos."

"S-Salamat, mahal k-ko." Sabay lagok ng inuming iniabot ko sa kaniya.

"Maayos na ba ang iyong lalamunan?" pag-aalala kong tanong.

"Medyo umayos na, salamat ulit." Ngiti niya

"Una cosita para lo que amo." (Maliit na bagay para sa minamahal ko.) Ngiti ko. Marahan naman niyang kinuha ang kamay ko at idinampi ito sa kaniyang malambot na labi.

Tila namumulang kamatis na naman yata ang aking mukha. Sanay na ako sa mga ganitong tagpo ngunit kapag ginagawa niya ito'y parang ibinabalik niya ako sa dati na kami'y nagpapakilala pa lamang sa isa't isa.

Sana ganito na lang palagi. Sana ikaw lang ang mi amore hasta el final de mi vida. (My love until the end of my life.)

🌹

Punto de Vista de Alguien (Someone's Point Of View)

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now