25: Puno na ang salop

56 5 0
                                    

[Kabanata 25: Puno na ang salop]

Verona Valdecisimo

🌹

NAATASAN kami nina Carla, Zonia at ako sa pamimili ng aming pananghalian dito sa Mercado público de Maynila. Winika pa ni Madre Olivera na kailangan daw naming masanay sa mga pasikot-sikot at ang bawat sulok ng Intramuros at ng Maynila. Natanaw ko sa 'di kalayuan ang lalaking papalapit sa amin. Nakasuot siya ng mahaba at puting-puting damit, naka sumbrero din siyang salakot.

Pagkalapit niya sa akin ay bigla siyang nagwika, "¿Como estas, binibini. Buenas dias! (How are you, miss. Good morning!)" bati niya.

"¡Estoy bien! Buenas dias! Señor Montevista!" (I'm fine! Good morning! Sir Montevista!) pagbabati ko rin.

"Maaari mo ba akong samahan kay Madam Olivera?" tanong niya.

"Talaga?! Kilala mo si Madre Olivera?!" wika ko.

"Oo binibini, matalik na kaibigan ng aming pamilya ang inyong maestra," tugon niya. Napangiti naman ako.

"Sige ginoo. Nais mo ba munang samahan kami sa pamimili?"

"Ayos lang binibini! Ikinalulugod kong ikaw ang aking kasama!" sambit niya.

"Nag almusal na ba kayo?" tanong niya.

"Oo doktor. Dumaan muna kami sa panaderya bago magtungo dito," ani Zonia.

"Mabuti! Kung gayon, tara na!" sabay lahad ng kaniyang palad sa akin.

"Ehem!" tikhim ng kapatid ko. "Baka nakalilimutan niyong hindi pa kayo magkasintahan, ginoo... ate!" suway niya sa amin. Kaya ang kamay ni Doktor Clyde na nakalahad ay ibinulsa na lang niya.

Bwesit 'tong kapatid ko! Panira!

Habang kami ay namimili, hindi naman ako makapamili ng maayos! Nakakainis kasi ang mga ngiti niya dahil kaniyang pinabibilis ang pagpintig ng aking puso. Kaya, ako rin ay walang awat sa aking pagngiti. Tila ba'y nasisiraan na ako ng bait!

Himig: Ang huling El Bimbo
(Instrumental)

Makaraan ng nakaiilang na tagpong iyon ay nakauwi kami ng kumbento pasado alas siyete ng umaga.

Agad kong hinanap si maestra at nadatnan ko siyang nag aayos ng kusina. Tinawag ko naman siya at nagsabing, "Maestra! Nandito po si Doktor Clyde Montevista!". Napasulyap naman siya sa akin. Samantala, naiwan si Doktor Clyde sa may silid tanggapan. Makaraan ko siyang tawagin ay nagtungo kaming dalawa sa silid tanggapan.

Habang siya ay naglalakad. "Oh, Doktor Montevista! Buenas dias! ¿Como estas?" ani maestra.

"Estoy bien! Maestra! Kaya ako naparito ay kung maaari ba tayong mag usap?" tanong ni Doktor Clyde.

Lumingon sa amin si maestra at nagwika, "Maaari niyo ba kaming iwan muna saglit ng aking panauhin," utos niya.

"Masusunod po, maestra," tugon namin. Makaraan no'n ay ginawa na namin ang mga nakatokang gawain sa'min.

Doktor Clyde Montevista Punto de Vista

"Siya sige, ano iyon, ginoo?" tanong niya sa akin.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais ko lang pong ipagpaalam si Binibining Verona at ang kaniyang kapatid na umuwi muna sa kanilang bayan; sa Sta. Peregrina. Sa kadahilanang may suliranin na kinahaharap ang kanilang pamilya. Nais ko rin pong ipagdiwang ang aking kaarawan sa aming bayan. Umaasa ako na inyo pong paunlakan," saad ko.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now