10: Sa barko

79 6 0
                                    

[Kabanata 10: Sa barko]

Verona Valdecisimo

🌹

Daungan ng Sta. Peregrina

ALAS-SAIS na ng hapon nang kami'y nakapunta sa daungan. Ang aming sasakyan mamaya ay ang barkong Victorina na biyaheng Maynila. Alas-siyete pa nang hapon ang alis namin ni Carla. Kaya't bago kami umalis ay nagpunta muna kami ng Mercado de Sta. Peregrina na malapit lang sa Bapor de Sta. Peregrina. Bumili kami roon ng pagkain, damit, alahas, at palamuti, pati na rin mga personal na gamit. Doon na rin kami naghapunan.
Maya-maya naririnig na namin ang sunod-sunod na tunog ng maliit na kampana, hudyat ng pag-alis ng barko.

"Sampung minuto bago umalis ang barko na biyaheng Maynila!" sigaw ng tagapamahala ng barko.

"Paano ba iyan mga anak, mag-iingat kayo palagi. Pagpalain kayo ng Panginoon!" wika ni ina.

"Mag-iingat kayo mga anak. Sulatan ninyo kami ng iyong ina kapag may problema. Maging mabuti kayo sa mga bagong makasasalamuha niyo," saad ni ama. "Opo, ama. Paalam po!" tugon ko.

"Sige po, ama. Mag-iingat po kami." Niyakap ni Carla sina ama't ina, s'yempre ako rin. Matapos no'n ay napalingon ako kay Angelita. "Oh! Angelita, huwag mong pupuyatin sina ama't ina, ha!" Ngiti ko. "Oo nga, kapatid ko!" Napahagikgik pa si Carla.

"Limang minuto, aalis na!" sigaw ulit ng tagapamahala ng barko.

"O siya, sige, nasaan na ang inyong mga boleto?" (Ticket) tanong ni ama
"Eto po, o." Sabay pakita ko sa kaniya ng aking boleto, pati si Carla ay nilabas na rin.

"Sige, paalam mga anak." Ngiting mapanglaw ni ina. "Adios!" (Goodbye!) malungkot na paalam ni ama.

"Adios! Mag-iingat din po kayo lagi!" Sabay hila ko kay Carla.

"Paalam ama... ina," malungkot na turan ni Carla. Tumango't ngumiti silang dalawa.

🌹

PAGKATAPAK NA PAGKATAPAK ko ng barko, namangha ako sa aking nasisilayan. May isang malaking ilawan na nakasabit sa kisame ng barko o candelabro (chandelier). Maliwanag at maaliwalas ang paligid. Hindi naman ito ang aking unang sakay sa barko. Bata pa lang ako no'ng huli akong nakasakay sa barko, siyempre alam niyo naman kapag bata puro laro ang nasa isip. Sa ngayon hinahanap namin ang aming kwarto at sa kakahanap namin ay sa ikat'long palapag pa pala ang kwarto isandaan labing tatlo. Dahil do'n nakaramdam ako ng antok dahil sa pagod.

"Carla, nasa'n na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang pipikit-pikit ang aking mga mata. Napapadalas na rin ang aking paghigab.

"Oo malapit na tayo, ate. Kaunting tiis na lang, huwag kang sumandal sa 'kin, mabigat ka!" natatawang reklamo ni Carla.

"Pasensiya na, kapatid ko. Pero inaantok na 'ko, e!" Sabay higab ko.

"Ayan na! Nandito na tayo." Napansin kong binubuksan na niya 'yung kwarto namin at dahan-dahan niya akong inihiga sa kama.

"Magpahinga ka na ate, bukas na lang," wika niya. "Sige, magandang gabi," sambit ko. At tuluyan na akong nakatulog.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now