23: Pagtangis

49 6 2
                                    

[Kabanata 23: Pagtangis]

Verona Valdecisimo

🌹

NAGULAT ako nang punasan ni Doktor Clyde ang mukha ko.

"Lumuluha ka na naman? Tahan na." Alam kong nagtataka siya kung bakit ako umiiyak, pero 'di na siya naglakas-loob pang magtanong kung bakit.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kaya na nasasaktan ko siya! Mahal ko siya p-pero g-gusto rin kita." hagulgol ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.

Sobrang sakit! Hindi ko pa nararanasan ang mga ganitong bagay!

Niyakap naman ako ng tatlo.

"Huwag ka nang umiyak! Papanget ka niyan!" biro ni Veronica. Sila namang pinagaan ang aking kalooban.

Tadeo Alcaraz Punto de Vista

SOBRANG sakit nang makita ko siyang kaharap niya ang kapatid ko! Sobrang bigat sa kalooban na halos ikadurog ng aking puso. Gusto ko siyang lapitan upang kunin sa kaniya si Verona pero hindi ko magawa. Tila naistatuwa na lang ako sa kinatatayuan ko.

Masakit din sa akin na nakikita ko siyang lumuluha. Huwag Verona! H-huwag kang tumangis! Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para bumalik ka lang sa akin, mahal ko.

Hawak ko sa aking mga kamay ang ipinadalang sulat ni Don Juan para sa kanilang magkapatid. Ngunit hahanap pa ako ng pagkakataon para maibigay ang liham.

Dumaan sa aking isipan, maaari ko namang ibigay ang liham na ito kay Carla. Kaya't kaagad akong nagtungo sa kumbento at personal kong ipinaabot sa kaniya ang liham.

Verona Valdecisimo Punto de Vista

"HOY, babae! Hindi ko mawari na magaling ka pa lang pipili! Siyang tunay, ang ginoong iyon ay nakakaaya at hindi ko maikakaila na may hitsura at matikas ang tindig niya!" ani Veronica. Namula naman ang pisngi ni Doktor Montevista dahil sa papuring narinig niya sa aking kaibigan. Ang init sa plaza bakit gano'n? Hindi ko mawari kung bakit umiinit ang aking pisngi!

"Akala ko ba ay magmamadre kayo?" bwelta ko. Natawa naman silang lahat, mukhang lalo akong nadiiin sa dahilan ko.

"Hindi naman siguro masama kung mabibigyan ka ng pagkakataon na umibig," giit ni Claudia. Napatango-tango si Doktor Montevista.

"Kung sa bagay..." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit nga pala kayo pumasok sa pagiging isang madre?" tanong ko.

"Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging isang lingkod ng simbahan! Kaya't ipinasok ako nila ama noong disiotso anyos na ako dito sa kumbento," pahayag ni Zonia.

"Pero alam mo ba kung bakit ko naaya agad sina Claudia at Veronica?!" dagdag niya.

"Hindi, siyempre wala pa ako dito no'n, eh!" sagot ko. Hindi naman makapagsalita si Ginoong Clyde, nananatili lang siyang tahimik ang nakikinig sa mga kwento ng aking kaibigan.

"Mapagbiro ka talaga, Verona!" Bungisngis niya.

"Pero seryoso, paano?" tanong ko.

"Si Claudia, kusa iyang sumama noong inaya ko siya, sabi niya, wala naman siyang ginagawa sa buhay at nag-iisa lang kasi siyang babae sa kaniyang pamilya. May dalawa pa siyang kapatid na lalaki. Ipagkakasundo na sana siya sa isang kilalang principales ngunit tinanggihan niya ito at nagdesisyong sumama na lang sa akin sa kumbento. Si Veronica naman, ayun. Noong inaya ko pa nga siya, grabe! Nakita ko pa siyang umiiyak. Napagtanto ko ang kaniyang dahilan. Hini--" Biglang tinakpan ni Veronica ang bibig ni Zonia.

Hini... Ano?! Maraming salita ang pumapasok sa aking isipan pero hindi ko alam kung ano ang tama. Hindi ko rin ugaling pangunahan ang isang tao.

"Zonia! Ano ka ba! Ako na lang. Pero ito na ang huling pagkakataon na sasabihin ko sa inyo ito!" wika niya.

"Sige, Veronica," tugon nilang dalawa.

"Ganito kasi iyan, Verona..." Napabuntong-hininga pa siya, tila hinuhukay sa kaibuturan ng kaniyang puso ang mapait na alala.

"Naratnan niya akong umiiyak dahil nakipaghiwalay sa akin ang aking nobyo... sinabi niya sa akin na ayaw na niyang matuloy ang kasal sa pagitan ng bawat pamilya namin, ngunit ano nga ba ang magagawa ng isang katulad ko... nagbago siya, malaki ang pinagbago niya at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling magpapakahibang pa para lang sa isang lalaki na babaero! Walang modo! At walang oras para sa akin!" Hinagod-hagod ko ang kaniyang likod para pakalmahin siya.

"Ano ang iyong ginawa pagkaraan n'on, binibini?" tanong ni Doktor Montevista.

"Ilang buwan din ang lumipas noong tinanggihan ko ang alok ni Zonia dahil kailangan ko munang mag isip-isip. Wala, walang dumating na lalaking muling magpapatibok ng aking puso. Kaya't, masakit man sa aking kalooban na hindi na muling iibig pa, tinanggap ko na lang. Nang alukin akong muli ni Zonia ay pumayag na rin ako. Aking nagugunita ang sinabi niya sa akin, 'Maglingkod ka na lang sa Diyos, dahil tunay ang Kaniyang pag-ibig. Hindi ka lolokohin ni sasaktan kailanman.' Simula noon, medyo nabago ang aking buhay, tama ang tinuran niya, na hindi ka Niya lolokohin at sasaktan. Masarap ang buhay dito sa kumbento. Marami kang matututunan at malalaman. Desidido na rin akong tumanda rito dahil kung ito man ang itinadhana para sa akin, kusang loob at malugod kong tatanggapin ang tadhanang iyon at ang desisyon ko sa buhay ay kailanman, hindi ko pagsisihan," pahayag ni Veronica.

"Huwag kang magsalita ng tapos, kaibigan. Paano kung may lalaking iba sa mga lalaking nagdaan sa iyong buhay? Paano kung may lalaking tapat at mamahalin ka ng buong pagkatao. Papapasukin mo ba iyon sa iyong puso't buhay?" tanong ko.
Nadidismaya man ako sa lalaking gumawa ng kasamaan sa kaniya ay mabuti na lang at naituon niya ang pag-iisip niya sa kumbento.

"Kung magkagayon man, nais kong humingi ng palatandaan mula sa langit at tatanggapin ko iyon. Dahil alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos na nasa langit," tugon niya sa akin.

Napaluha naman ako sa kaniyang mga sagot. Tunay na nakamamangha. Hindi ko lubos maisip na may ganito pa lang tao na kahit anumang pagsubok ang dumating sa kaniya ay ang tanging Panginoon lang ang kaniyang sandigan. Kahit si Doktor Montevista ay namangha.

Bumalik na kami sa kumbento dahil mag aalas-tres na at ayaw na nilang maparusahang muli, hindi na nila ibig pa na maghugas ng pinggan. Inihatid kami ni Doktor Montevista saka siya bumalik sa kaniyang trabaho.

🌹

NAKALUHOD ang lahat ng tao rito sa altar habang binabanggit ang panalangin sa ikat'lo ng hapon. Napansin kong wala si Carla sa altar habang kami ay nananalangin. Nang kami'y matapos na, bumalik ako sa kwarto ay naabutan kong tumatangis siya.

"Napa'no ka, kapatid?" alalang tanong ko. Hindi naman niya akong tinapunan ng pansin.

"Carla! Sumagot ka!" Bumibilis ang dagundong ng aking puso. Ano ba ang problema nito?! Bakit hindi niya agad masabi?!

Maya-maya lang ay nilingon niya ako sabay sabing, "Ate, s-si Angelita. M-may malubhang s-sakit!" Napahimutok siya.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now