31: Kwintas na Hugis Puso

51 4 0
                                    

[Kabanata 31: Kwintas na Hugis Puso]

Verona Valdecisimo

🌹

"Kamusta, binibini!" Masiglang bati niya. Sumagot naman ako, "Ayos lang naman, ginoo." Nahihiyang ngiti ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang pagnanasa ko sa kaniya!

"Ahh... naalala mo pa ba 'yung kagabi?" Nanlaki ang mata ko sabay lunok ng isang timbang laway. "ang lahat kasi ng 'yon ay..." pabitin niyang wika.

ANO?! SABIHIN MO, GINOO!

"... T-Totoo." Parang nabuhusan ako ng sandamakmak na litro ng malamig na tubig. Pinipilit kong himatayin pero ayaw makisama ng aking katawan! Nakakahiya, huhu! Gusto ko nang lamunin ako ng lupa!

Balik-tanaw...

Patuloy lang ako sa paghalinghing dahil sa pagkagat niya sa tsupon ng aking dibdib ng biglang... "Magbihis ka na, binibini. Hindi ako ang karapat dapat na sumira ng iyong puri. Lubos kong nirerespeto iyan. Saka... may nakahihigit pa sa akin. Kung iyong nanaisin ay maaari mo akong tabihang magpahinga, kung ayos lang." Parang natauhan siya sa nangyayari. Lasing pa ba siya?!

Parang lantang gulay ako matapos niyang ituran iyon. Teka... nanghihinayang ba ako?! Ayos lang sa akin, ginoo. Magsaya tayo! ¡El broma! Pero bitin, huhu! Nakaramdam na ako ng antok at dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mata at nagpahingang katabi niya.

Katapusan ng pagbabalik-tanaw.

AAAAHHHHHHHH!

Bigla akong napakaripas ng takbo papalayo sa kaniya! Pero hinabol din niya ako at nahawakan niya ang braso ko.

"Kalimutan mo na 'yon dahil ako, matagal na kitang nakalimutan!" Hinihingal niyang wika.

Nahihibang na ba siya!

"E 'di gano'n na lang 'yon! Normal lang sa 'yo 'yon! Wala lang?!" Napataas na tono ko.

"Paumanhin, binibini. Ang ibig kong sabihin ay 'pag may nakahihiyang pangyayari, marapat lamang na ito'y ibaon sa limot," pagpapaliwanag niya. "Paumanhin din, ginoo. Napagtaasan kita ng boses."

Hayss... hindi ko akalain na ang puno na iyon ang magiging saksi sa mainit naming pagmamahalan.

🌹

KASALUKUYAN kaming naghahapunan dito sa hapag, nang biglang magsalita si ama, "Maaari ka nang bumalik sa Maynila, Carla, bukas ang iyong biyahe. Ikaw Verona, baka sa a singko ka na makasunod, dahil mag-uusap na ang pamilya natin at ang pamilya Alcaraz sa nalalapit na kasal. Natatandaan mo naman siguro ang aking tinuran, Pebrero a tres." Seryosong wika ni ama. Tumugon si Carla, "Sige po, ama." Matamlay niyang wika. Tumango na lang ako at pinilit na ngumiti.

Hayss, ba't ba ang lungkot ko. Hindi naman dapat ganito, ah!

🌹

Narito ang kapatid ko sa aking silid, habang nakaupo sa kama ko. Makikita sa kaniyang mukha ang pagkapanglaw.

"Nalulungkot ako dahil ako muna ang babyahe papuntang Maynila," matamlay na wika ng kapatid ko. Nginitian ko naman siya. "Ano ka ba, ayos lang iyon, kapatid." Sabay hawak ko sa kamay niya.

"Nais mo bang mangilin bukas?" tanong ko. Biglang kumurba ang kaniyang mga labi at lumabas ang kaniyang mga malaporselanang mga ngipin. "Sige ba, ate!" Nagagalak niyang tugon.

"Sa wakas at makakasama ko na ulit sina Claudia, Veronica, at Zonia!" Lalong lumawak ang kurba ng kaniyang labi. "Huwag mo lang papatulan sina Natalia at Rosandra," biro ko. Napaismid naman siya. "Opo, ate!"

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now