24: Liham mula kay ama

50 5 2
                                    

[Kabanata 24: Liham mula kay ama]

Verona Valdecisimo

🌹

"Nagpadala ng liham si ama sa atin?" patuloy lang siya sa kaniyang pagtangis.

"Ano?! Kailan pa?!" tanong ko.

"Nakasaad sa liham na hindi raw tinitigilan ni Señor Ricardo ang pamilya natin. Desidido talaga siyang pabagsakin ang ating pamilya! Hayop siya! Wala siyang magawa sa buhay niya!" Bigla niyang kinuha ang isang plorera na nakapatong sa maliit na lamesa at ibinato ito sa kung saan, na siyang nagdulot ng malakas na ingay.

Agad ko siyang niyakap para mapigilan siya sa pagwawala pero nagpupumiglas pa rin siya.

"Bakit?! Bakit sa pamilya pa natin?! Pati si Angelita na walang kamalay-malay ay nadadamay!" umiigting na panga niyang wika.

"Humanda siya sa pagbabalik natin! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!" dagdag pa niya, parang may kung ano'ng sumasapi sa kaniya at gustong-gusto na nitong kumawala mula sa kaniyang katawan, dahil do'n ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayapos ko sa kaniya. Todo rin siya sa kaniyang pagtangis. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong nagmula sa aking mata at marahan itong pumatak sa aking pisngi. Napopoot ako sa mga hakbang na ginagawa ng Ricardo na iyon! Bakit hindi na lang kami magharap-harap sa korte!

"Huwag kang mag alala kapatid ko, malalampasan din natin ito. May kilala rin akong mahusay na abogado," wika ko.

"S-Sino?"  Napa-angat ang kaniyang mukha sa 'kin.

"Si Tadeo. Magtitiwala ako sa kaniya," saad ko.

"S-Sige ate, alam kong m-malalagpasan natin ito!" Pinakalma ko na siya makaraan no'n. Ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay dahilan para siya'y makatulog sa aking hita. Napapahid na rin ako ng aking luha. Napansin ko ang liham na hawak niya, may selyo ito na nagmula nga talaga ito kay ama.

🌹

NAKAATAS sa amin ng kapatid ko, ako, si Veronica, at Claudia na mamili ng mga rekado para sa tanghalian. Habang sina Zonia, Natalia at Rosandra at isang kasambahay na maglinis ng buong kumbento. Kami rin ang magluluto pagkaraan nito.

Nasa parte kami ng pamilihan sa hanay ng mga karne ng baka sapagkat ang putahe para sa tanghalian ay kaldereta. Kasama ko si Veronica habang sina Carla at Claudia ang bumili ng almusal; pandesal at kapeng barako.

Nakasuot ako ng kulay kanaryo (canary) na baro at kulay garing (ivory) na saya dahilan upang lumitaw sa akin ng pagiging kutis mestisa. Bughaw (asul) na baro at puting saya naman kay Veronica at kay Claudia ay luntiang baro at puting saya rin. Samantalang kulay kalimbahin (rosas) na baro at kulay labandula (lavender) naman ang saya ng aking kapatid. Nakapusod ang aming mga buhok suot-suot ang gintong payneta ko habang sila ay pilak na payneta ang gamit.

Marami na rin ang taong namimili gayong umuusbong pa lamang ang liwanag. Halos kulay bughaw pa at manilim-nilim pa ang buong kalangitan, maaliwalas din ito at hindi nagbabadya ang malakas na ulan. Alas sais pa lamang ng umaga.

Halos magkakakilala ang lahat ng mga nagtitinda at mga mamimili. Kaniya-kaniya silang alok sa kanilang mga panindang karne, isda, gulay at prutas. Talaga nga namang buhay na buhay ang merkado rito.

Habang naglalakad para bumalik sa napagdesisyunang tagpuan na kung saan ay inaabangan kami nina Claudia at ng aking kapatid ay may taong papasalubong sa amin na panay ang ngiti sa akin.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now