6: Sa plaza

107 6 0
                                    

[Kabanata 6: Sa plaza]

Verona Valdecisimo

🌹

Pagkatapos niya 'kong kantahan ay pumunta na kami ng Ospital. Ito ay dalawang palapag na gusali pero maraming kulang sa kagamitan kaya't kung ang isang taong agaw-buhay na ay rito na rin babawian ng buhay.

Tanghaling tapat na noong marating namin ang aming paroroonan.

"Sige na, Binibini, at ako'y mauuna na," paalam niya sa'kin.

"Sige, Ginoo. Mag-iingat ka!" ani ko.

Matapos noon ay pinakain ko na sila ama't ina, dalawang araw pang mananatili kami rito sa Ospital.

Hindi ko naman maiwasan ang pagkabagot. Namahinga na rin si ina at si ama. Si Angelita naman ay mahimbing din na natutulog. "Maari po ba akong pumunta muna sa plaza para makapaglibang lang po?" tanong ko.

Napalingon sa akin si ama. "Oh sige anak, tutal at wala namang masyadong kailangan dito, basta 'wag ka lang magpapadilim," bilin ni ama.

"Salamat po!" Ngiti ko.

"Sige, mag-iingat ka, anak."

Agad akong nagpunta sa plaza, malapit sa bukal, naupo muna ako sa bangko at pinagmasdan lang ang mga tanawin.

"Binibining Verona?!" saad ng pamilyar na boses.

Sino kaya 'yun...

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now