41: Walang Katapusang Hapis

38 3 0
                                    

[Kabanata 41: Walang Katapusang Hapis]

Verona Valdecisimo

🌹

Habang nag-aalmusal kami ay biglang napahawak nang mahigpit si ina sa kaniyang dibdib. "J-Juan! H-Hindi ako m-makahinga!"

"M-MAHAL ANO NANGYAYARI SA 'YO?" nag-aalalang wika ni ama. Sinukluban na rin ako ng takot. "Ina! Dadalhin ka namin sa pagamutan!"

NAGDEDELIRYO na si ina nang madatal kami sa Hospital ng Maynila. Hindi ko na rin maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga segundong ito. Mahalagang mailigtas si ina mula sa kapahamakan!

"M-Mahal," Bigla kaming napalingon kay ina. "k-kung ito na ang oras ng buhay ko... K-Kung ito na ang mga h-huling s-segundo ng b-buhay ko, s-salamat s-sa lahat, m-mahal ko!" Ngiting panimula niya. Bakas sa kabiyang mukha ang paghihirap na kaniyang iniinda.

"S-Salamat sa p-pagmamahal mo s-sa 'kin, s-sa mga anak natin. Alagaan niyo m-mga s-sarili ni'yo. 'W-Wag kayo mag-aalala, b-babantayan ko kayo p-parati," wika niya habang hinahabol ang kaniyang hininga.

"'Wag ka magsalita nang ganiyan, ina! Mabubuhay ka pa!" Pagpapalakas ko ng loob.

Napalingon siya sa akin. "V-Verona, anak... Mag-iingat ka palagi... Aalagaan mo sarili mo, ang kapatid mo. P-Patawad anak, k-kung 'di ko na maabutan pa ang inyong kasal ni Tadeo." Napapatak ang luha niya.

May isang butil ng luha na kumawala mula sa sulok ng kaniyang mga mata habang pinipilit niya huminga ng maayos. Sa pamamagitan ng ngiti, ipinapabatid ni ina na ayos lamang siya. Na kaya niya pang lumaban kahit hindi siya nakasisiguro.

"S-Sayang at hindi k-ko man lang maaalagaan ang aking apo. M-Mahal na mahal kita, anak ko. Pakisabi ring mahal ko si Carla," naluluhang dagdag niya pa. Lalong napahawak si ina sa kaniyang dibdib.

"DOKTOR! DOKTOR! PARANG-AWA NIYO NA! TULUNGAN NIYO KAMI!" Halos mabingi ang aking mga tainga dahil sa malakas na sigaw ni ama. Nakahawak pa rin ng mahigpit si ina sa kaniyang dibdib habang hinahabol ang hininga. Kalong-kalong naman ni ama si ina.

Napalinga sa amin ang ilang doktor at agad silang rumesponde sa amin. Agad nilang kinuha si ina mula sa amin at dinala nila ito sa isang kwarto. Naluluha na talaga ang aking mga mata at ang mabigat na pagdagundong ng aking puso'y lalong bumibilis habang tumatagal. Samantalang si ama naman ay hindi na malaman ang gagawin at napahawak na lang siya sa kaniyang noo.

Sinundan naman namin ni ama ang kinaroroonan ni ina. Nang kami'y maparoon na ay ang bigat sa dibdib kasama ng mga kutsilyong sumasaksak sa aking puso habang nakikita si ina na naghihirap. Halos nakatirik na ang kaniyang mga mata. Narito sa 'kin ang kagustuhang pasukin ang kwarto na iyon at ang pagbabakasakaling ang aking mga yakap ang magiging kaniyang lunas.

Hindi ka maaaring bumitaw, ina! Hindi mo kami maaaring iwan ngayon! Panginoon, tulungan mo po ang aking ina! Parang-awa ni'yo na po, Diyos ko! Mahabag po kayo sa 'min!

MAKALIPAS lang ng ilang minuto ay lumabas ang isang lalaking doktor. Agad naman kaming napatayo.

"Kumusta na ang aking asawa?! Maayos na ba ang kaniyang lagay?!" desperadong mga tanong ni ama. Hindi naman natinag ang doktor, nakatingin lang siya sa amin ng tahimik. Lalo kaming kinabahan ni ama dahil sa ginagawa ng doktor sa aming harapan.

"Sumagot ka, doktor!" Desperadong niyuyugyog ni ama ang lalaking doktor sa aming harapan.

Nagsimula nang magsalita ito, "Ella se ha ido. Lo siento." (She's gone. I'm sorry.) Bigla naman akong natigilan sa kaniyang mga tinuran.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now