12: Sa silid-tanggapan

83 5 0
                                    

[Kabanata 12: Sa silid-tanggapan]


Verona Valdecisimo

🌹

HABANG hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ay biglang sumulpot si Carla.

"Ate, hinahanap kita sa kwarto natin. Narito ka lang pala!" wika niya.

"Oh! 'Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan, bakit ngayon ka lang?!" Napataas kong tinig, pasensiya ka na Carla.

"Pasensiya ka na ate, sa susunod babalik na ako ng maaga, galit ka ba?" tanong niya.

"Hindi! Hindi naman ako galit, nag-aalala lang ako sa 'yo. Hindi ka dapat lumalayo sa akin. Ni hindi mo kilala ang mga tao dito!" paliwanag ko.

"Pero bakit ang taas ng boses mo?" Napahawak naman ako sa lalamunan ko. Hinay-hinay, Verona, hingang malalim. Inhalar... Exhale... Inhalar... Exhale.

Napatikhim muna ako bago magwika, "Makati kasi lalamunan ko," tugon ko na lang.

"Ah, gusto mo ate tumawag ako ng doktor? May nakilala ako kanina!" napakapalakaibigan naman ng kapatid ko ngayon 'di naman siya ganiyan. Siguro, nagpapalipas-oras lang din siya. 'di tulad ko na si tulog lang ang kaibigan.

"Ah... e. Hindi na," wika ko.

"Magbihis ka na ate! Nabalitaan ko na may gaganaping sayawan doon sa may silid tanggapan," mabilis niyang wika.

"Sige, tapusin ko muna itong kinakain ko," wika ko. "O, sige ate, mauuna na akong magbihis," tugon niya at tumango naman ako.

🌹

MAYA-MAYA inamoy ko ang sarili ko. Choques! 'di pa pala ako naliligo! Iniwan ko na lang ang aking kinainan sa lamesa. Agad akong tumakbo papunta ng aming kwarto. Napansin kong naglalagay pa ng kolorete si Carla. Ang arte, haha!

"Hindi mo naman kailangan magpahid ng kung anu-ano," wika ko.

"Hayaan mo na ate! Minsan lang ito." Sa bagay taong-bahay nga pala siya.

Pero... choques! Nagulat ako sa suot niya, ¡Eres tan hermosa, hermana mía! (You're so gorgeous, my sister!)

Kasalukuyan kasi siyang nakasuot ng pulang kumikinang na baro't-saya. Nakalugay ang kaniyang buhok. May hawak siyang abanikong galing pa sa europa. Nakasuot ng kwintas na gawa sa puting perlas at napakagandang bakya.

"Ang ganda ng kapatid ko, ¡Esperemos que todos!" Ipinagmamalaki kong wika. "Salamat ate!" Ngiti niya. "Walang anuman!" tugon ko.

Wala talaga akong gana at balak na sumayaw. Pero ayaw kong nahihigitan!

Kaya't ...

"Hintayin mo ang paglabas ko! Carla," wika ko. "Sige ate!" Biglang sumilay sa kaniyang bibig ang isang ngiti.

🌹

AGAD akong nagtampisaw sa napakagandang paliguan ng kwarto namin na puno ng ginto at diyamante ang mga disenyo sa paligid ng paliguan. Mabilis lang ako at 'di nagtagal pa.

Pagkalabas ko ay nagulat si Carla sa nakikita niya. Tama lang 'yan kapatid ko, ngumanga ka sakin ngayon! Napatawang ewan ako.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now