1: Ang pagtatagpo

729 21 14
                                    

[Kabanata 1: Ang pagtatagpo]

Verona Valdecisimo

🌹

"Huwag mong itutuloy 'yan! 'Waaagg!"

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang tumama sa isang ginoo.

"Patawad, p-patawad dahil hanggang d-dito na lang ang b-buhay ko. P-Paalam, paalam hanggang dito na lang ang pag-ibig ko sa iyo." Pagkatapos noon ay nawalan na siya ng malay at nalagutan ng hininga.

"Pakiusap gumising ka! Huwag mo akong iwan!" Pilit kong tinatapik ang kaniyang mga pisngi sa pag-asang didilat muli ang kaniyang mga mata. Napupuno na rin ng kaniyang dugo ang aking baro na kanina'y kulay puti.

"Hindi ito maaari!" sigaw ko. Napatingin ako sa kalangitan habang isinisigaw ang pait na nararanasan ko sa pagkakataong ito.

"Ate gumising ka!"

"Ginooooo!" At tuluyan na akong nagising at napabalikwas sa aking kama. Unang bumungad sa akin ang kapatid kong si Carla. Kita ko sa kaniya ang matinding pag-aalala niya sa akin.

"Ate, ano'ng nangyayari sa iyo?" tanong niya.

Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin nang tibok ng aking puso na para bang hinahabol ng isang batalyong kabayo. "Sa aking napanaginipan... Ang lalaking mahal ko'y... b-binaril... s-sa harapan ko!" Naiiyak na pagsasalaysay ko.

"Huwag kang mag-alala kapatid ko, magiging maayos din ang lahat." Pagpapakalma niya sa akin. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at hinagod-hagod pa ang aking likod. Nagbigay ito ng kapanatagan sa akin at nakatulong ito upang gumaan na ang aking kalooban.

Bumitiw na rin siya sa akin kalaunan at hinarap ako sa aking mga mata. "Siya nga pala, tinatawag ka na ni Ina, kakain na tayo," aya ni Carla.

"Sige, susunod ako." Pilit kong ngiti. "Sunod ka, ah!" aniya. "Sus, naglambing pa ang kapatid ko." Natatawang sambit ko.

Ang ganda lang niya kasing maglambing, ang sarap kurutin ng kaniyang pisngi!

Pagkatapos no'n ay naghilamos na ako mukha at nag-ayos na ng aking sarili. Pagkapanaog ko ng hagdan ay agad akong kumaripas ng takbo kina ama at ina na masayang kumakain ng agahan.

"Magandang umaga ama, pati na rin sa iyo ina," bati ko habang nakangiti.

"Magandang umaga rin sa 'yo, anak ko." Ngiting tugon nila ama't ina. Agad ko silang bineso.

"Naku, naglalambing na naman ang aking anak," natatawang sabi ni ama.

"Si ama naman, maganda lang talaga ang gising ko." Kahit hindi naman talaga, ayaw kong nag-aalala sila sakin.

🌹

NAGPUNTA ako sa kwarto ni ama para magpaalam dahil pupunta kami ni Carla sa bayan.

Kumatok ako sa pinto nang tatlong beses bago ko maulinigan ang tinig na nagmula sa loob ng silid na ito. "Adelante!" (Go ahead!) Agad naman akong pumasok nang bigyan niya ako ng pahintulot.

Napaangat ang kaniyang ulo dahil mayro'n siyang isinusulat. "Oh anak! Ano ang iyong sadya?" kalmadong dagdag pa niya.

"Maaari po ba kaming tumungo sa bayan?" tanong ko.

"Sige anak, huwag lang magpapa-abot ng dilim," pagpapahintulot niya sa akin habang malapad na nakangiti. "Salamat po, ama!" Niyakap ko siya.

"Basta para sa 'king napakagandang anak na katulad ng mga mirasol na masayang tinitingala ang araw, gagawin ng iyong ama ang lahat para mapasaya kayo," saad niya. Bolero rin si ama paminsan-minsan.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now