23

307 34 5
                                    

The summer after sophomore year in university, Nic told Papa that she really wanted to become a nurse instead of a doctor.


"Mas mura yung tuition, Pa. Tapos, mas maiksi din ang time sa school. Halos pareho lang din ang ginagawa ng doctor sa nurse e. Tutulong pa rin naman ang nurse sa doctor, mapa-clinic o ospital din ang office. Sige na, Pa. Pumayag ka na..." Nic pleaded with her grandfather.


"Eh kung mag-madre ka nalang?" Papa said as he enveloped Nic in his arms. Mama, who was seated on the armchair nearby, looked at them and shook her head.


"Sigurado ka?" Mama asked.


"Bakit hindi?"


"Ayaw ko po. Hindi ako bagay mag-madre..." Nic pouted.


"Ayaw mo maging madreng nurse?" Papa said.


Nic tightened her embrace and shook her head. "Sige na, Pa. Pumayag ka na..."


"...tapos mag-d-dorm ka sa Maynila?"


"Opo...hindi na mapapagod si Nestor sa pagmamaneho mula dito papuntang Maynila. Ang traffic pa naman sa may area nung school..." Nic reasoned.


"Ayaw mo lang ata namin makilala yung boyfriend mo e..." Mama said.


"Po?" Nic let go of her embrace on Papa.


"May nobyo ka na? Marian, bukas na bukas, tumawag ka kay sister..."


"Pa! Wala po akong boyfriend! Yung dorm na titirhan namin ni Belay, ladies dorm, bawal ang lalake dun."


"Hindi ka pwedeng magka-boyfriend hanggang di ka tapos ng pag-aaral at nagttrabaho ka na..." Papa declared.


Nic turned to Papa, "Pumapayag na kayo na mag-n-nursing nalang ako at mag-d-dorm kasama si Belay?"


"Papuntahin mo si Belay dito...kakausapin ko sya..."


"Opo!"



---



"Ano?! Anong sinabi mo kina Papa?" Belle shrieked.


"Kalma! Sabi ko, mag-s-shift ako ng course...at mag-d-dorm tayo..."


"Tayo?"


"Oo...tayo...diba nag-d-dorm ka na?"


"Oo...malapit sa school..."


"Siguro naman may space pa para sa akin..."

Destiny's GameWhere stories live. Discover now