60

310 31 4
                                    

"Papa!" M said as she saw her grandfather walk down the hallway of the pediatric floor.


"Menggay ko!" Papa replied as he tried to walk a little faster, hobbling with his cane. M took bigger strides and reached him in no time, hugging him tightly and kissing him on the cheek.


"What brings you here?"


"I brought you your favorite spaghetti" Papa said as he held up the paper bag he was carrying.


"Wow! Thank you!" M took the bag and held Papa's elbow as they slowly walked to the conference room beside the nurses' station. "Pa, initin ko lang to ha? Gusto mo ng juice?"


"Okay..." Papa said as he took a seat, smiling at M.


"Mmm! Sarap!"


"O, dahan-dahan naman apo...bibilhan pa kita ng spaghetti kung gusto mo pa..." Papa said as he watched how M devoured the pasta like it was her last meal. "Teka...bakit ba parang gutom na gutom ka?" It was just after 2pm.


"...ngayon pa lang po ako nakapag-break...lunch break...mahaba kasi shifts ko..."


"Ahh...sigurado kang hindi ka ginugutom ng nobyo mong si...ano nga ulit pangalan nun?"


"Richard po...Rj...hindi po...lagi nga po kaming nag-s-snack e..."


"Eh baka naman puro snack lang ang pinapakain sa iyo ni Reynold..."


"Richard, Pa..."


"Yun nga, kulang sa sustansya yung snack-snack lang..."


"Mga ganitong snack din naman ang kinakain namin...spaghetti, pansit, sandwich..."


"Hmm...umuwi ka nga sa bahay nang makakain ka ng mas masusustansya na pagkain. Sasabihan ko si Marian na lutuan ka nung may maraming gulay. Isama mo na si Arnold mo..."


"Rj po...hmm, iniisip ko nga pong umuwi sa bahay..."


"Uuwi ka?"


"Opo. Sa bahay natin."


"Bakit? Nag-away kayo ni Argel?"


"Hindi po. Hindi po kami nag-aaway. Ano naman po ang pag-aawayan namin?"


"Eh bakit ka uuwi sa bahay?"


"Kailangan po kasing ayusin yung banyo sa apartment. Tatawag po sana ako mamaya sa inyo ni Mama para sabihin na sa weekend ako uuwi sa atin."


"Ah. Eh paano si Redmond?"


"Richard po...Pa, yun nga, ipapaalam ko sana sa inyo ni Mama na sa atin din tutuloy si Rj sa weekend lang habang ginagawa yung banyo ng apartment."

Destiny's GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora