CHAPTER 35

548 16 0
                                    

Leaving



Bitbit ang napiling damit na isusuot bukas sa graduation ay lumabas ako ng walking closet. Wala akong idea kung ano ang mangyayari bukas, ang alam ko lang ay graduation na bukas. Wala rin sa aking sinasabi si Mommy, wala pa rin ang toga ko pero alam kong plano na si Mommy.


Saglit akong napahinto nang maabutan si Mommy sa loob ng kwarto ko. Nakatalikod ito sa akin na nakaupo sa aking kama. Nang marinig ang yapak ko ay tumayo ito at ibinalik ang hawak na garapon sa tabi ng lampshade. Sinuri ko ang garapon kung may ginawa siya. Wala naman akong napansin sa pagbabago rito.


"Saan ka pupunta?" mahinahong tanong nito at sinuri ang aking hawak.



"Wala po," sagot ko at inilatag sa aking kama ang napiling dress.


"Para saan iyan?" pagturo nito sa aking damit. Tinitigan ko ang napiling damit pabalik kay Mommy.


"For my graduation, Mommy."


Tumaas ang dalawang kilay nito. Para bang hindi niya alam kung may ano bukas.



"You're not going," mariing sabi nito. Kumunot ang noo ko. Hindi ba siya ang may gusto na maka akyat ako sa stage dala ang diploma ko? Pero bakit ngayon ay sinasabi niya ito.


"B-But, Mommy, Graduation ko-"



"You're not going, Amara." Pagputol nito sa akin. Bumigat ang aking paghinga.


"Paghandaan mo na lang ang dinner mamaya kasama ang magulang ni Joaquin. Huwag na 'yan.....hindi ka aattend."



Hindi ako nakapagsalita nang marinig ang desisyon ni Mommy. Pagkatalikod nito sa akin ay nanghihina akong napaupo sa aking kama. Napatulala ako sa aking mga kamay na nasa aking mga tuhod. Napakurap-kurap ako para pigilan mamuo ang aking luha. Kailangan ko na yata sanayin na ganito na ang takbo ng buhay ko. Ang desisyon ni Mommy ang siyang susundin ko. Magiging sunud-sunuran ako sa kaniya para protektahan ang isang tao sa buhay ko. Mahirap man, kailangan ko ng tanggapin na pupunta ako ng New York at kakalimutan ko ang buhay na meron ako rito.



Kilala ko si Mommy, ang sinasabi niya ay ginagawa niya. Alam kong gagawa siya ng paraan na alisan ng lisensya si Sir Dylan once na hindi ko masunod ang gusto niya. Tama si Ma'am Lyca, hindi na mayaman si Sir Dylan katulad ko, kaya kailangan ko gamitin ang utak ko ngayon para sa ikabubuti niya at ni Daryl. Inaasahan ko na dadating ang oras na sugat na meron ako ngayon ay maghihilom din.



Pababa ako ng hagdan para pumunta sa swimming pool area nang madaanan ko ang kapatid ko sa sala. Busy ito sa kaniyang cellphone sa pinanonood na Kdrama. Bigla ay may pumasok sa isip ko. Mabilis akong bumalik sa pwesto ng kapatid ko at hinatak ito papuntang library.


"Ate, Bakit? Anong nangyayari?"



Hindi ko ito sinagot. Pag pasok namin sa library ay sinigurado ko kung naka lock ang pinto. Saka ko hinarap ang kapatid ko.



"Can I borrow your phone?" tarantang sabi ko.



Mabilis itong tumango sa akin. Hinila ko ang malapit na upuan at ginamit ang cellphone ng kapatid ko para ma message si Sir Dylan. Inopen ko ang account ko na puno ng notification at message. Hindi ko na binasa ito at dumiretso na ako sa pangalan ni Sir Dylan. Tadtad din ako ng chat mula rito pero wala akong sapat na oras para basahin pa iyon. Inisip kong mabuti ang sasabihin ko sa kaniya.



Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now