CHAPTER 27

516 17 0
                                    

History


Sunday afternoon ay nasa school pa rin kami para mag practice sa mangyayaring students night bukas. Nakaupo kaming magkaklase sa lapag ng gym habang nag papahinga. Puno ang bleachers kaya rito kami sumalampak. Sinapinan namin ang lapag para hindi madumihan ang mga suot. Kapwa hinihintay na matapos ang 30 minutes break. Wala akong imik dahil malalim ang iniisip ko. Sina Astrid naman ay nag uusap about sa tinatayong international school malapit dito.



"Sayang talaga! Dream ko pa naman mag-aral sa ganon." Pagmamaktol ni Astrid. Sino ba naman ang hindi gugustuhin na pumasok sa International School lalo na kung afford mo. Ginusto ko rin naman 'yon kaso ay wala rito sa lugar namin ng ganon. Kailangan pa lumuwas ng Manila para doon.


"Kung gusto mo ibagsak mo 'tong 4th year tapos mag-aral ka ron." Mungkahi ni Aloisia. Pabiro namang inamba ni Astrid ang hawak na pamaypay na ibabato.


"Ikaw na lang. Hirap-hirap mag-aral."


"Si Charlene, maabutan tiyak na 'yon. For sure doon ipapasok iyon ni Tita." Baling sa akin ni Aloisia. Nag kibit balikat naman ako. Tumaas ang dalawang kilay ni Aloisia sa tugon ko. Wala talaga akong ganang mag salita ngayon. Wala ako sa mood. Nawala ako sa mood dahil kay Mommy. Akala ko ay makakaalis ako kanina sa bahay ng matiwasay.


"Maybe...." walang ganang sagot ko. Napatulala ang dalawang kaibigan ko sa akin. Siguro ay napansin nila ang pagiging matamlay ko ngayon. Hinawakan pa ni Astrid ang magkabilang pisngi ko, na tila kinikilala ako nito.


"What happened? Nag breakfast ka ba? Ang lamya mo ngayon, ah." Puna ni Astrid. Malakas akong napabuntong hininga at pinaglaruan ang hawak na plastic bottle.


"Ang lalim non, ah," inaantok na saad ni Neil na nakasandal sa likod ko.



"Si Mommy kasi...." pag sisimula ko. Tinapunan ko muna nang tingin si Joaquin na malayo sa akin ngayon. Nakikipag biruan ito sa iba naming kaklase. Malaki ang ngiti nito sa labi. Halatang ang mga nakapalibot na babae ay pinagpapantasyan siya.


"She kept asking me kung bakit ko pinatigil sa panliligaw si Joaquin." Naging interesado ang dalawa sa kwento ko. Nakasandal man sa likod ko si Neil alam kong nakikinig din ito.



"And sabi ko kasi wala akong feelings kay Joaquin. Pinipilit niya ako na itry ko."


Kanina bago ako umalis ay tinanong ako ni Mommy about doon. Sinabi ko ang totoo pero hindi ko sinabi na may nagugustuhan akong iba. Hindi ko pa kaya aminin kay Mommy na professor ko ang nagugustuhan ko. Pilit niyang sinasabi na subukan ko. Ang sabi pa niya ay magugustuhan ko si Joaquin dahil complete package ito. Paulit-ulit ko naman tinanggihan ang gusto mangyari ni Mommy. Hindi siya sa akin nakinig. Ang gusto pa niya ay mag set ng isang date para sa amin ni Joaquin. Iyon ang dahilan ng pagkawala ng mood ko. Alam kong hindi iyon tatanggihan ni Joaquin dahil nagpaparamdam na naman siya ngayon.



"Bakit?" tanong ni Neil mula sa likuran ko. Umalis ito sa pagkakasandal sa akin at tumabi kay Aloisia.


"Dahil sa lumalagong company nila?" seryosong tanong ni Neil. Saglit akong napatigil kay Neil dahil sobrang seryoso nito. Bilang lang sa daliri na nakita ko itong ganito kaseryoso. Maski si Aloisia ay manghang nakatingin kay Neil.



"Maybe...." sagot ko kahit na sigurado naman ako na iyon nga ang dahilan ni Mommy. Ilang beses na niya sa akin iyon nasabi pero ngayon, iba na yung level na pagkagusto niya na maging kami ni Joaquin. Ipinipilit na niya talaga. Kakayanin naman lumago ng negosyo namin ng wala ang negosyo nila Joaquin. Ang naiisip ko na dahilan ay gusto ni Mommy ang mabilisang pag angat katulad ng nangyari kina Joaquin.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now