CHAPTER 48

673 16 0
                                    

Diagnosed


Suot and backpack sa aking likod na kinalalagyan ng aking mga gamit para sa hiking namin sa Mt. Halcon. Tanging towel, extra t-shirt, at camera lang ang dala ko. Na kay Dylan ang tubig namin dahil ayaw nitong mabigat ang dala ko sa pag akyat ng bundok.

"Do you want me to carry you?" tanong ni Dylan.

Natawa ako sa tanong nito. Nagsisimula pa lang kami kasabay ang ibang turista at tour guide ay madalas na ang pag tanong nito sa akin kung pagod na ako.

"Picture tayo?" pag balewala ko sa tanong nito.

Bahagya kaming naiwanan ng grupo dahil sa pagkuha ko ng picture naming dalawa. Nakaakbay ito sa akin at malaki ang aking ngiti.

"Be careful, Amara!" sigaw nito sa akin nang tumakbo ako palayo para mahabol ang grupo. Tumatawa ko itong nilingon na malalaki ang hakbang malapit sa amin. He's adventurous person. Halata naman sa katawan niya.

"Are you tired?" tanong nito ng halos isang oras na kami naglalakad.

Umiling pa rin ako kahit na ang totoo ay nakakaramdam na ako ng pagod. Masakit na ang aking binti kakaakyat kaya kumuha ako ng tungkod na aalalay sa akin. Hinihingal na rin ako sa aking bawat pag hakbang.


"Huminto muna tayo, pagod ka na." He grabbed my arms. Hinihingal ko itong binalingan.


"Malayo pa?" tumango ito.


Tiningala ko ang bundok na halos kalahati pa lang ang aming nararating. Ito ang first time kong mag hiking at hindi ko inakalang ganito ito kasakit sa katawan.


"Tara na." Paghila ko sa kamay ni Dylan. Hindi ito nag padala sa akin.

"Magpahinga muna tayo." Pinagpag nito ang isang malaking bato at isinenyas sa akin na umupo.


"Maiiwan tayo!" protesta ko. Inabot ko nang tingin ang mga kasamahan na malayo na sa amin. Hindi nila nahalata na nawala kami ni Dylan. Nakaramdam ako ng panic dahil baka hindi na kami makababa pa.

"Dylan, let's go! Maiiwan tayo!"

Umiling ito at hinila ang aking kamay para umupo sa tabi niya.

"Kabisado ko 'to kaysa sa tour guide." Deklara nito.


Gulat ang aking ekspresyong napaupo sa tabi nito.


"Have you been here? Who are you with?" pag-uusisa ko.

Hindi ako nito agad sinagot. Hinalungkat ni Dylan ang dalang bag at inabot sa akin ang tumbler na kinalalagyan ng aming tubig.


"Hey," tawag ko rito.


"Uhmm?"

Naningkit ang aking mga mata sa kaniya. Parang iniiwasan nitong sagutin ang tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung sino ang kasama niya.

"Kailan ka pumunta rito saka sino ang kasama mo?"


He avoided my gaze. Mukhang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

"Okay lang kahit hindi mo sagutin." Kibit balikat na dagdag ko.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now