CHAPTER 14

563 17 0
                                    

Violation

Napatigil ako sa pagmamadali nang makasalubong ko si Mommy sa sala. Kita ko ang pagod sa kaniyang mga mata kaya saglit akong napatigil kahit malapit na akong malate.


"Are you feeling well, Mommy?"


Umupo ito sa malapit na sofa at nakapikit na isinandal ang ulo. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon. Na g-guilty ako dahil dapat siguro ay tulungan ko na siya sa negosyo para hindi siya ganito lagi kapagod.


"I heard Joaquin is courting you. Nasa company nila ako yesterday and her mom told me that her son is courting my daughter. So is that true?"


"Y-Yes, Mi," nag aalangan kong sagot.


Her eyes sparkled. Mukhang natuwa siya sa nalaman niya.


"That's good. I'm planning to buy 30% stock in their company. I think you and Joaquin is a perfect match," nangingiting ani ni Mommy. Ayoko na pahabain pa ang usapan tungkol doon kaya nag paalam na ako.


Hindi ko lubos maisip na magiging kami ni Joaquin para lang sa company. Ayoko ang iniisip ni mommy at ayokong malaman 'yon ng iba. Kung sasagutin ko si Joaquin, ang iisipin ng lahat ay sinagot ko siya para sa plano ni Mommy. Halata naman na pinag papares kami ni Joaquin ni Mommy dahil sa lumalagong company nito. Kaya naman tumayo ng negosyo namin ng wala ang tulong nila Joaquin, kaya hindi ko alam kung bakit pinaglalapit ni Mommy ang magkalayong company.

Pag pasok ko ng room ay saglit akong napahinto. Naka abang si Joaquin sa akin sa pintuan hawak ang malaking kumpol ng pulang rosas. Ngiting-ngiti ito samantalang ako ay hindi pa nakakabawi sa pagkakagulat.

"Flowers for you, Amara." Nangingiting pag abot nito.


Nagtilian naman ang mga kaklase ko pag abot sa akin ni Joaquin ng mga bulaklak. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil may ibang estudyante na nakiisosyo. Lumabas pa ang ibang estudyante para panoorin kami. Nahihiya ko namang tinanggap ang bulaklak kay Joaquin.

"T-Thanks." Pilit na ngiti ko.

"Ano nangyayari dito at nagkakagulo?"

Napapitlag ako sa gulat sa malamig na boses mula sa likod ko. Si Sir Dylan na kunot noong naka tingin sa amin. Lalong kumunot ang noo nito sa hawak kong bulaklak.

"S-Sorry, Sir," nauutal na sagot ko. Kinuha ko ang kamay ni Joaquin at hinila papunta sa upuan namin. Nakita ko ang nanunuyang ngiti ni Aloisia kaya sinimangutan ko ito.


"Salamat sa bulaklak, Joaquin, nagustuhan ko," mahinang sabi ko kay Joaquin.

Nawala ang masamang tingin nito kay Sir dahil sa akin. Nakangiti naman itong tumango sa akin.

"Sorry, wrong timing ko naibigay," natatawang sambit nito.

Mabigat ang atmosphere sa loob ng classroom ngayon. Masyadong tahimik at ang maririnig mo lang na ingay ay ang matigas na boses ni Sir Dylan. Tahimik ang lahat at tutok na tutok sa kaniya. Samantalang ako ay madalas na lumilipad ang isip. Tuwing mapapadako ang tingin niya sa akin ay napapayuko ako sa notebook ko. Mabigat ang mga titig niya kaya hindi ko kayang tagalan.

"Maisie, can you answer this on the board?"

Nawala ang diin sa boses ni Sir Dylan nang tawagin nito si Maisie. Narinig ko pa ang ipit na tili ni Carra. Namumulang lumapit si Maisie sa harap.

Last Sunrise (Last Series#01)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang