CHAPTER 23

502 15 0
                                    

Issue

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng social media ko ay nag sunod-sunod na ang tunog nito. Napakaraming message ang pumapasok at halos hindi ko na mapindot ng maayos ang cellphone ko sa dami. Dali-dali akong umakyat sa kwarto para sa laptop mag open. Bumili na rin ako ng bagong labas na laptop para hindi na maulit ang aksidenteng nangyari sa laptop ko. Hindi ko rin kasi masyadong nagagamit kaya siguro nagkaganon.

Sa pagbukas ko pa lang ng account sa laptop ay nagulat ako sa dami ng messages at sumabog ang notification ko. Normal na may mag message sa akin pero hindi normal na umabot ito ang 501 messages. Ang notification ko na umabot ng thousand. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin kong buksan. Sumabay pa ang pag tunog ng cellphone ko. Nakatitig ako sa laptop na sinagot ang tawag.

"There's an issue...." kinakabahang bungad agad sa akin ni Aloisia. Rinig ko sa kabilang linya nito ang bawat pag pindot sa keyboard ng laptop o computer.

"And?" Niloud speaker ko ang cellphone para mahawakan ko rin ang laptop. Una kong binuksan ang message.

"About sa'yo.....at kay Sir Dylan."


Mabilis na nanginig ang kamay ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kay Aloisia, idagdag pa ang bumungad sa akin sa mga message. Puro panlalait, pangungutya, at puro galit.

"Don't worry sinusubukan namin ireport ang post."

Hindi na ako nakasagot kay Aloisia. Dumiretso ako sa notification na puro mentioned sa pangalan ko. Doon ay nakita ko ang post na tinutukoy ni Aloisia. Picture namin ni Sir Dylan na sumasayaw noong birthday ko. Masyado kaming malapit sa isat' isa at malinaw na malinaw ang kuha na titig na titig sa akin si Sir Dylan. Ang isa ay picture namin sa playground kasama si Daryl. Ito ay noong dinalhan ko ng cookies si Daryl. Ang pangatlong picture naman ay hawak ni Sir Dylan ang kamay ko papasok sa school ni Daryl. Hindi makikilala ang mukha ko sa picture dahil nakatalikod ako pero alam kong ako 'yon dahil ako ang kasama ni Sir Dylan nung araw na 'yon. Ang huling picture ay nagsasayaw ulit kami. Ito ay noong birthday ng Papa ni Joaquin na nangyari lang 3 days ago. Malinaw din ang kuha at kitang-kita ang paghanga sa mata ko habang nakatingin sa isat' isa.


"Try to message him, Amara." Utos ni Aloisia. Nagsisimula na ngayon manubig ang mata ko. Napakasakit na salita ang ibinabato nila sa akin. Binasa ko ang mga komento nila at ang sinasabi ng lahat ay malandi ako. Matalino pero hindi ginagamit ang isip. Makasarili, palibhasa ay anak mayaman.

"A-Ano ang sasabihin ko sa kaniya?"

"Sabihin mo na may kumakalat about sa inyo. I know he can do something about this."

Nagdadalawang isip ako sa utos ni Aloisia pero kalaunan ay sinunod ko rin. Sobrang simple lang ng message ko, sinunod ko lang ang sinabi ni Aloisia na sa sabihin kong may kumakalat na issue. Binalikan ko ang post at binasa ang caption nito.

"Sir Dylan Sallvarez is secretly in a relationship with his student Amara Valiente"

May ilan akong nababasa na pinagtatanggol si Sir Dylan. Iginigiit nila na wala kaming relasyon dahil may girlfriend si Sir Dylan, which is si Ma'am Lyca. May ilan din na nagtatanggol sa akin pero ang mga nagtatanggol sa akin ay nadadamay na rin sa galit nila. Dumagdag pa ang post ni Joaquin na nag viral din. Ang lumalabas ay nag two time ako. Which is hindi naman totoo. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng irita kay Joaquin. Sa ginawa niya ay lalo akong naidiin at lalong lumaki ang issue.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon