CHAPTER 20

595 17 3
                                    

Suspended


"I'm a mess, I'm a fool
Don't know how to act with you."


Paulit-ulit na tumatakbo sa akin ang nakapaloob na sulat sa code ni Sir Dylan. Tulala ako habang naglalakad papasok. Hindi ko alam kung tama pa ba na ituloy ko ang pagbabasa na 'yon. Habang tumatagal ay lalo akong naguguluhan. Binabagabag ako ng konsensya at kakaibang pakiramdam. Pilit ko mang itanggi sa aking sarili, I starting to like him, but not the way how I like Joaquin. Nakakatakot man aminin, pero iyon ang pakiramdam ko. Alam kong mali kaya pinipigilan ko. Kahit saang anggulo ko tingnan, mali pa rin.

Sa paglalakad ko ay napahinto ako dahil nakita ko sina Aloisia at Astrid, na parang nakikipagtalo. Mabilis akong lumakad papunta sa kanila. Namumula ang mukha ni Aloisia habang pigil ito ni Astrid sa braso.


"Why don't you accept na lang kasi? Malandi talaga si Amara," maarteng ani ng isang babae. Napahinto sila sa pagtatalo nang makita ako.


"Why don't you accept na lang din kasi? Na iyang nguso mo, parang puwet ng manok!" pang gagaya ni Aloisia sa tono ng babae.


Pareho naming pinigilan si Aloisia sa gagawing pag sugod sa babaeng nasa harapan namin. Ang ibang napapadaan na estudyante ay napapatingin na sa amin ngayon. Naguguluhan man ako sa nangyayari, siguro naman ako, na ako ang pinagtatalunan nila.


"Anong nangyayari?" tanong ko. Mataray naman akong hinagod nang tingin ng babae mula ulo hanggang paa. Nakataas ang kilay nito sa akin.


"Hindi mo alam yung mga rant ni Joaquin sa social media? Akala mo naman sobrang ganda mo para balewalain siya!"


Kumunot ang noo ko sa pahayag ng babae.  Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi naman kasi ako suki ng social media. Kinalabit ako ni Astrid at pinakita ang cellphone niya. Doon ay nakita ko ang mga post ni Joaquin na halatang patungkol sa akin. Umani iyon ng maraming reaskyon at comments.


"Ako lang yata ang interesado."

"Sakit mabalewala."


"Konting time lang ang hinihingi ko pero wala."


Aaminin kong hindi ko nasasagot ang mga text at tawag niya. Kung nasasagot ko man ay late na ang mga reply. I'm too occupied para makipag usap sa iba. Sa nakaraang araw ay naguguluhan ako kaya pinag-aralan ko ang sarili ko. Pinag isipan ko kung ano ang dapat kong gawin. Ayokong maging selfish kay Joaquin. Ayokong isipin niya na ginagamit ko siya para mabaling ang nararamdaman ko. Kahit hindi pa man ako ganoong kasigurado. Magulo pa rin naman ang lahat sa akin, kaya mas magiging maayos siguro kung babalewalain ko pareho. Gusto ko ay bumalik na lang kami ni Joaquin sa dati, yung magkaibigan lang kami. Ganoon din kay Sir Dylan, yung iwas ako sa kaniya.


"Ayos din pala kayong magkakaibigan......isang malandi." Pagturo nito sa akin. "Isang desperada at isang warfreak."


Sa pagkakataong iyon ay nagkagulo na. Sabay na sumugod si Astrid at Aloisia kaya hindi ko na alam ang gagawin kong awat sa kanila. Sa hindi inaasahan ay naabutan kami ng guidance counselor. Galit nito kaming pinapunta sa office niya. Masama ang tingin ni Astrid sa babaeng nasa harapan niya dahil naputol ang kuko nito sa pagkakasabunot sa babae. Si Aloisia naman ay nakangisi sa babaeng may pasa sa gilid ng labi.


"I will never tolerate this kind of attitude inside this school. I'm so disappointed, especially to you Ms. Valiente."


Napayuko ako sa aking mga kamay nang balingan ako ng guidance counselor. Kahihiyan ang naramdaman ko nang mabasa ko ang disappointment sa mukha niya. She's one of my mom colleagues at sana ay hindi ito makarating kay Mommy.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now