CHAPTER 50

805 19 1
                                    

Promise


Nagising ang aking diwa nang maramdaman ko ang braso na yumayapos sa aking manipis na katawan. Nabawasan ang lamig na aking nararamdaman sa mainit nitong yakap.



"Good morning..." paos na bulong ni Dylan sa aking tenga. Idiniin nito ang kaniyang mukha sa aking leeg.



"Morning..." nanghihinang bati ko.



Unang subok ko pa lang sa chemotherapy ay kinuha na nito ang lakas ko. Kung hindi dahil sa bati ni Dylan na good morning ay hindi ko malalaman na umaga na. Natulog ako ng umaga na si Mommy ang huling nasilayan ko. At ngayon ay gumising ako ng umaga na si Dylan ang nasa tabi ko.



Pilit kong iniharap ang aking katawan kay Dylan at niyakap ito. Nasa dibdib niya ang aking mukha at naririnig ko ngayon ang bawat tibok nito. Mahinahon at malakas.



"I lost some of my hair because of chemotherapy." Kwento ko kay Dylan.


Inilagay nito ang kaniyang palad sa aking ulo at maharang hinaplos ito.


"You're still gorgeous, baby." Paghalik nito sa aking noo.


Tumingala ako sa kaniya ng naka-ngiti. Malambot ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin.



"Kahit wala na akong buhok maganda pa rin ako?"



Tumango si Dylan saka sinakop ng kaniyang palad ang aking pisngi. Kita ko sa kaniyang mata ang puyat at pagod sa pag punta niya rito sa hospital kasabay ang pagtatrabaho niya.


"Sorry...." bulong nito.



Kumunot ang noo ko kay Dylan. Titig na titig siya sa aking mukha na parang kinakabisado ang bawat detalye nito. Hinahaplos niya pa rin gamit ang kaniyang hinlalaki ang aking pisngi.


"Sorry for what?"


"Wala ako sa chemotherapy mo. I heard....you cried. Y-You cried in pain."


Konsensya ang bumakas sa kaniya. Ngumiti ako at dimanpian ko ng halik ang kaniyang pisngi upang iparating na ayos lang, naiintindihan ko.


My first chemo was too painful. Umiiyak ako sa procedure. Tanging si Mommy lang ang nandoon nung araw na iyon. Hawak niya ang aking kamay habang sumisigaw ako sa sakit. Pigil naman ang luha ni Mommy habang pinapanood ako. Pilit niyang pinapalakas ang loob habang pinapanood ang anak niyang nasasaktan. Alam ko 'yon dahil pagkatapos ng chemotherapy, pumikit ako at ang akala yata ni Mommy ay nakatulog ako. Narinig ko ang mga pigil niyang hikbi at pag singhot.


"I understand, Dylan. I made it. Nakaya ko ang sakit." Pagkumbinsi ko.


Umiling ito. Kumislap ang kaniyang mata sa luha.



"I-I want to be there, Amara. Sa bawat laban mo....gusto ko nandoon ako. Gusto kong maramdaman mo na may kasama kang lumalaban."



Ako naman ngayon ang humaplos sa kaniyang pisngi. Hinawakan nito ang aking kamay.


"Don't be guilty, Dylan. Kasama ko kayong lahat sa bawat laban ko, katabi ko man kayo o hindi. Kayo ang dahilan ng bawat laban ko."



Kaya ko tiisin ang sakit ng bawat turok ng karayom. Kaya ko ipikit ang bawat kirot. Sila ang lakas ko ngayon. Alam ko sa sarili kong nanghihina na ako pero kapag iniisip ko ang pamilya ko, kaibigan, at si Dylan, lumalakas ang loob ko. Hindi ko sila kayang iwan kaya lumalaban ako.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now