CHAPTER 1

1.4K 33 3
                                    

Pamaypay


"Bye, Mom." Paghalik ko kay Mommy bago pumasok ng sasakyan.


Hindi ako nagmamadali ngayon hindi gaya ng mga nakaraang araw. Nalalapit na ang intramurals kaya naman busy ang mga estudyante sa school. Bilang isang Dean's Lister kailangan ay active ka sa mga activity sa school, kaya naman member ako ng isang club. Na settled na namin ang lahat kahapon kaya naman inaasahan ko na wala akong meeting ngayon.


"What-" pagsagot ko sa tawag ni Aloisia.


"Hinto ka sa kanto niyo!" sigaw nito mula sa cellphone at ibinaba na rin.


Buti na lang at hindi pa ako nakakalagpas kaya naman hininto ko ang aking sasakyan sa kanto. Napansin ko na marami ring kapwa ko estudyante ang ngayon pa lang papasok. Hindi pa man ako nagtatagal doon ay may biglang may nag bukas ng pintuan sa gilid ko.


"Move!" pagtulak sa akin ni Aloisia sa katabing upuan. Wala akong nagawa kun'di ang umalis sa driver seat. Siya ang pumalit sa akin at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan ko.


"What are you doing, Aloisia?! Slow down!"


Hindi ako nito pinakinggan, para pa itong tuwang tuwa habang umiiwas sa mga mabibilis na sasakyan. Mahigpit na lang akong napakapit sa aking seat belt. Kapag talaga siya ang nagdadrive ay parang byaheng impyerno ang pupuntahan mo. Pareho sila ni Astrid na kaskasera pagdating sa pagmamaneho.


"What the- Aloisia! Stop!"


"Trust me, Sweety."


Ngayon ko lang napansin mula sa side mirror ng sasakyan na may humahabol sa aming sasakyan. Nanlalaki ang mga mata ko habang papalapit kami sa stop light. Paglagpas namin ay mabilis akong bumaling sa likuran kung may sumunod sa aming pulis. Ang napansin ko ay huminto sa stop light ang humahabol sa amin kanina.


"Bobo naman mag drive ng bagong bodyguard ko."


Ngayon ay katamtaman na lang ang bilis ng pag papatakbo niya. At ako ay parang hihimatayin sa front seat. Hindi na ako magtataka kung may police na pumunta sa bahay. Over speeding kami ni Aloisia. Grounded na naman ako nito! Mag ko-commute na naman ako.


"Don't be sad, sweety. Ako bahala sa'yo, hindi makakarating sa magulang mo."


Inismiran ko na lang siya. Ganyan din ang sinabi niya sa akin nung huling ginamit niya ang sasakyan ko para takasan ang bodyguard niya. Ang ending ay ako ang napasama. Pinangakuan niya ako na sa kaniya ako sasabay kapag nagrounded ako sa pag gamit ng sasakyan. At the end, kaming dalawa ang nag commute.


"Bago na naman ang bodyguard mo?" tanong ko kay Aloisia.


Sa aming tatlo ay siya ang may bodyguard. Pamilya kasi sila ng mga politiko kaya naman bantay sarado siya. At sa tingin ko kailangan niya talaga dahil malaki ang kalokohan nito sa buhay. Pati mga bodyguard niya ay pinag titripan.


"Yeah, galing AFP," sagot nito habang binabaling ang sasakyan sa parking lot.


"Si Neil ba 'yon? Ang gago dito pa sa parking lot nakipag laplapan. Mauna ka na, Amara sa Classroom."


"Teka-"


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis itong lumabas ng sasakyan at pinuntahan si Neil. Nilock ko ang sasakyan at nauna na lang pumasok dahil malapit na ang second subject. Tiyak ko rin naman na hindi papasok ang dalawa na 'yon.



Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now