CHAPTER 15

583 14 2
                                    

Date

"Ate Amara!"

Napangiti ako nang makita ko si Daryl sa harap ng gate at halatang hinihintay ako. Naka terno panjama pa ito, halatang kagigising lang. Pabalik na ako galing jogging. Bitbit ko ang box ng cookies na siyang binili ko sa dulong bakery. Hindi na ako nito nahintay at tumakbo ito papunta sa akin.


His eyes twinkled when he saw the box of cookies in my hands.


"Did you bring some cookies for me again, Ate Amara?"

Nakangiting akong tumango sa kaniya.


"Wow!" Kitang-kita sa mata niya ang tuwa.

"Come!"

Kinuha nito ang isang kamay ko at hinila papasok ng bakuran nila. Naabutan ko si Sir Dylan na nakaupo sa lanai kaharap ang laptop at may coffee cup sa gilid.

"Daddy, ate Amara is here!" sigaw ni Daryl. Napaangat naman ng tingin sa amin si Sir Dylan.

Umupo si Daryl sa tabi ng kaniyang ama at masayang binuksan ang dala kong cookies. Hindi nagbabago ang saya sa kaniyang mukha kahit ilang beses na niya itong natikman.

"Good morning, Amara." Bati ni Sir kaya napabaling ako sa kaniya.

"Good morning, Sir."

Tumaas ang kilay nito sa akin at bahagyang isinarado ang laptop.

"We're outside of school so....call me Dylan."

"G-Good morning." Nahihiyang ulit ko. Hindi pa ako komportable na tawagin siyang Dylan.

Isinenyas niyang umupo ako kaya umupo ako sa harapan nila ni Daryl. Nawalan na ng pakialam si Daryl sa paligid niya, tutok na tutok ito sa pagkain.

"Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong nito at tuluyan na ngang itinabi sa gilid ang laptop.

Umiling naman ako.

"Dito ka na mag breakfast," pahayag nito at bumaling kay Daryl.

Agad akong umalma. Nakakahiya na makikikain pa ako rito.

"A-Ahh uhm..hindi na po. Sa bahay na lang ako mag b-breakfast."

Tumaas ang kilay nito sa akin.

"Kapag date pumapayag ka agad tapos ako....breakfast lang-"

"Date? You have a date, Ate Amara?" pag singit ni Daryl. Kinuha ko muna ang tissue na malapit sa akin bago ko siya sagutin. Pinunasan ko ang gilid ng bibig nito na nababahiran ng chocolate na nasa cookies.


"May date ka, Ate Amara?" tanong ulit nito.

Marahan akong tumango sa kan'ya. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay nang sabay na napabuntong hininga ang mag-ama. Dismayado ang mukha ni Daryl at si Sir Dylan ay hinarap ulit ang Laptop.

"Dito ka na mag breakfast, mag hahanda na si Manang," ani ni Sir Dylan na nakatutok sa screen ng laptop.

"I'm sad, Ate Amara. I thought I can play with you," malungkot na pahayag ni Daryl.


Hindi ko mapigilan ang mangiti dahil napaka cute nito habang naka pout. Ginulo ko ang buhok nito.

"She can't, Daryl. She has a date," sambit ni Sir at tinapunan ako nang mabilis na tingin.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now