CHAPTER 41

624 14 1
                                    

Owner

Ang bawat hakbang ko sa aking nilalakaran ay tumutunog ang paglapat ng aking stilettos sa sahig. Napapalingon ang mga nadadaanan kong mga empleyado na nagtatatrabaho. Bakas sa kanilang mukha ang paninibago at panunuri.


"I'll send to your office all the documents and data that you need to sign, Ma'am." Pag-abot sa akin ng mga document ni Mateo, ang Secretary ni Mommy.


Pinasadahan ko ito nang tingin at hinanap ang kailangan pirmahan.


"Thanks for the help, Mateo." Sinseridad na pagpapasalamat ko.


"No worries, Ma'am. Hindi niyo naman kailangan bumisita lagi katulad ng ginagawa ni Ma'am Charlotte. Once a week na pagbisita for inventory and checking the data ay okay na po. Masyado lang po talagang masipag si Ma'am Charlotte na kumustuhin ang pabrika." Pag ngiti nito sa akin.



Hindi ko alam na bata pa pala ang Secretary ni Mommy. Kung tatantyahin ko ay mas matanda ako rito. Hindi naman nakakailang iyon sa akin dahil professional si Mateo. Minsan lang ay para na kaming magkaibigan kung mag usap dahil sa kaniya ako nagtatanong sa mga bagay na hindi ako pamilyar.


"Maraming salamat talaga. Malaking adjustment sa akin 'to. For my request, pakisend na lang sa akin lahat ng schedule ko for this week. Pupunta ako ng office para ayusin ang isang pabrika sa San Juan."


Tuloy ang lakad ko palabas ng pabrika at pagngiti sa mga nakakasalubong na mga empleyado.


"Copy, Ma'am," sagot ni Mateo.


"At paki cancel lahat ng meetings ko sa July 31." Pag-abot ko rito ng mga papeles. Sumama sa akin ito sa paglalakad palabas ng pabrika.


"Bakit, Ma'am?"



"May pupuntahan akong kasal." Pagtukoy ko sa kasal ni Genimyz na magaganap sa susunod na linggo. Ngunit dalawang araw bago ang kasal ay pupunta na ako.


"Noted, Ma'am."


"Paki inform ako incase na kailangan ako. Nasa office lang ako," huling pahayag ko bago lumisan.



Ito ang kariniwang araw ko rito sa Pilipinas. Isang buwan na ako rito at hindi na bumalik pa ng New York. Mas kailangan ako rito ng kapatid ko at ni Mommy. Malaking adjustment sa akin ang nangyari, biglaan ang lahat na ako na ang may hawak ng lahat ng negosyo. Matapos mahospital ni Mommy ay ako na ang sumalo ng lahat. Nagka mild stroke si Mommy at nahihirapan itong magsalita at kumilos ngayon pero sabi ng doctor ay puwede bumalik sa normal ang lahat. Kailangan lang ni Mommy ng therapy.


Isang buwan na puro trabaho at bahay lang ang ginagawa ko. Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap pala ng mga ginagawa ni Mommy lalo na sa akin na baguhan at biglaan. Hindi niya muna ako sinanay, basta na lang ako sumabak.



Paliko ng parking lot ang aking sasakyan nang makatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko. Pinatay ko muna ang makina ng sasakyan bago ito sagutin.


"Ate," bungad nito.


"Charlene, anong problema?"


"Good morning, Ma'am!" pagbati sa akin ng isang empleyado at tinanguan ko na lang ito.


"Wala, ate. Tatanung ko lang kung busy ka bukas?"


Inalala ko naman ang mga schedule ko bukas. Bibisitahin ko ang tatlong boutique.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon