CHAPTER 19

519 16 0
                                    

Diamond ring


"Uyyy! Si David!"

"Nasaan?!"


Nagising ang diwa ni Astrid habang nakatambay kami sa loob ng restaurant dahil sa sigaw ni Aloisia. Aligaga nitong inayos ang buhok at damit sa pag-aakalang nakita nga ni Aloisia si David.


"Charot lang, dali mo talagang lokohin."



Linggo ngayon kaya sinamahan namin ni Aloisia si Astrid sa pamimili nito ng damit. Nakahilata lang ako sa bahay nang tawagan nila ako. Bago na ang routine ko ngayon. Sa halip na mag jogging tuwing umaga katulad nang nakagawian ko, ngayon ay sa treadmill na lang ako. Malaking tyansa kasi na magkasalubong o magka sabay kami, na siyang iniiwasan kong mangyari. Nahahalata na niya kasing iniiwasan ko siya. Ayokong magkaroon ng pagkakataon na tanungin niya ako kung bakit. Hindi ako handa sagutin ang tanong na iyon.

"Uyy! Si Sir Dylan!" pagturo ni Aloisia sa likuran ko. Nakatingin ito sa akin at hinihintay na lingunin ko ang itinuturo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi niya ako maiisahan.


"That's his son, right?"


Sa pagkakataong iyon ay lumingon na ako. Mukhang totoo ngang nakita siya ni Aloisia dahil pati si Astrid ay nakatingin na sa likuran ko.



"Parang kapatid lang." komento ni Astrid. Nandoon nga sila at kapansin-pansin ang suot ng dalawa na mag kamukha. Hanggang sa sapatos na suot ni Sir Dylan ay kagaya ng kay Daryl. Halatang idol ni Daryl ang ama niya.


Actually kung titingnan talaga sila ay parang mag kapatid lang. Ang bata pa kasi tingin ni Sir Dylan para maging ama. Ni hindi nga nagkakalayo ang edad niya sa amin. Kaya laking gulat ko noon na malaman kong may anak na siya. Kung 25 years old siya at 4 years old si Daryl, posibleng nag-aaral pa siya ng magka-anak siya.



Pumasok ang mag ama sa katapat namin na boutique. Transparent ang boutique kaya naman nakikita ko sila. Ibinaba ko ang iniinom na juice at pinanood ang ginagawa nila.

Pagpasok pa lang nila ay napalingon na ang ibang costumer ng boutique. May lumapit na magandang babae na sa hula ko ay sales lady. Iba pala talaga ang charisma niya. Ang isang costumer ay muntik nang mabunggo sa mannequin dahil sa katititig sa kanila. Mukhang nakita iyon ni Daryl dahil tinutop nito ng dalawang kamay ang bibig para pigilan ang pagtawa. Mahina akong natawa sa reaksyon nito.



"Feeling ko paglaki ng anak ni Sir Dylan, maloko. Marami 'yan paiiyakin na babae," pahayag ni Aloisia.


Inalis ko na ang tingin sa kanilang dalawa at bumaling kina Aloisia. Malisiyosong nakatingin sa akin si Aloisia habang umiinom ng mango shake.


"Ano niregalo sa iyo ni Joaquin nung birthday mo?" tanong ni Alosia.


"Channel bag," sagot ko.



Kahapon ko lang nabuksan ang mga regalo na natanggap ko at channel bag  ang natanggap ko kay Joaquin. Sa loob ng bag ay isang picture frame na may picture namin together at isang maikling sulat. Si Mommy naman ay isang condo na malapit sa pabrika namin. Siguro kung doon ako magtatrabaho ay baka roon na ako uuwi pansamantala. San fernando to San Juan, ay baka 30 minutes ang byahe ko, which is nakakatamad gawin araw-araw kung magtatrabaho na ako.


"Ehh....si Sir Dylan? Nakita ko kasing nag lagay rin siya ng gift sa mesa." Nanunuyang tanong ulit ni Aloisia.


Nahirapan naman akong sagutin ang tanong nila. Kapag sasagot ako ay tiyak na maiintriga sila. Alam kong natulad ko ay magtataka sila. Sa lahat kasi ng natanggap ko na regalo ay ang kaniya ang nakakuha ng atensyon ko. Naiiba at buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap noon. Isang garapon na may design at punong-puno nang binilot na papel. Noong una akala ko ay isang normal na papel lang pero nag kamali ko. Pag binuksan ang mga papel ay bubungad sa akin ang mga QR code. Sobrang daming QR code. May isang note roon na binasa ko bago ko iniscan ang mga code.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now