CHAPTER 32

490 15 0
                                    

Lost


"A-Ate, Amara,"



Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Daryl. Inaantok ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nilapitan ko ito at tinulungan na sumadal sa head board.


"Daryl, anong nararamdaman mo? Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" tarantang tanong ko. Mabagal nitong tinuro ang kaniyang dibdib.



"Dito, Ate Amara, masakit kanina," nanghihinang sagot nito. Wala ngayon ang masiglang Daryl. Mabigat ang mga mata nito at parang lantang gulay. Pero mas okay na ito kaysa kanina na namumutla ang mga labi. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko.


"Si Papa, Ate Amara?"


"Papunta na siya, papunta na 'yon dito."


Alas sais na ng gabi at nakakasiguro ako na papunta na siya. Usually ganitong oras talaga ang uwi nila. Nawala sa isip ko ang tambak na gawain dahil sa pag-aalala sa batang ito. Sigurado rin naman ako na hindi ako makakapag focus kung alam kong nandito mag isa si Daryl at hindi pa makapunta ang ama niya.


6:31 p.m nang marinig ko sa labas ang boses ni Sir Dylan at ng nurse. Nakahiga sa bisig ko si Daryl habang mahimbing na natutulog. Saglit lang ito nagising at nakatulog ulit. Sa haba ng kaniyang naitulog ay kulang pa rin para bumalik ang sigla nito.


"Nandito po, Sir, yung misis ninyo at anak niyo."

Bumukas ang pintuan ng clinic at iniluwa nito ang nurse at si Sir Dylan. Bakas sa mukha nito ang pagod at pag-aalala nang lumapit kay Daryl. Hindi man lang nagising ang bata sa presensya ng ama.


"Pasyensya na sa abala," mahinang sabi nito na sapat na para marinig ko. Hinawi nito ang buhok ng anak na natutulog. Pagod nitong tinititigan ang anak.


"Uwi na tayo?" pag-aya nito.



Dahan-dahan nitong kinuha sa aking bisig si Daryl at kinarga. Kinuha ko naman ang mga gamit nito at binitbit palabas. Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Walang nagsasalita sa amin.


"Papa?" paos na tawag ni Daryl sa kaniyang ama. Nagkatinginan kami ni Sir Dylan.


"I'm here, big boy. Nandito na si Papa," sagot ni Sir Dylan at hinalikan sa noo ang kaniyang anak.


Palihim kong pinahid ang aking luha sa aking nasaksihan. Nanlambot ang aking puso sa nakikita. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Sir Dylan sa anak. Hinaplos ng lubos ang puso ko. He is a great father. I feel his love, care, and worries for his child. He is a great father like my dad. Kaya siguro ganito ako kaapektado.


Pakiramdam ko rin ay guilty siya. Guilty siya dahil hindi niya napuntahan ang anak kanina. Ganito pala kahirap maging guro, may pagkakataon na kailangan mo unahin ang trabaho kaysa sa mga anak mo. Isang sakripisyo pala ang maging guro.


Tulog ulit si Daryl nang isakay ito sa sasakyan. Nakatayo lamang ako roon at tahimik na tinitingnan ang pagkakabit ni Sir Dylan ng seat belt sa anak. Nang matapos ito ay isinara nito ang pintuan ng sasakyan at saka ako hinarap. Kitang-kita ko ngayon ang pagod sa kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Walang salitang bigla ako nitong niyakap.

"Thank you," bulong nito. Wala sa sariling napayakap ako pabalik.

"Thank you for taking care of my son. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. I owe you a lot, Amara."

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now