CHAPTER 47

675 16 1
                                    

First picture

Dahan-dahan kong binubukas ang pinto ng kwarto ni Mommy habang bitbit ang isang unan. Sinilip ko ang ginagawa nito. She's doing her skin care. Napabaling ito sa akin sa paglagitik ng pinto.

"Hey, Mom." Bati ko nang nakadungaw pa rin sa pinto.

"Yes? You need anything, Honey?"


Tuluyan akong pumasok at isinara ang pinto. Patuloy pa rin si Mommy sa paglalagay ng cream sa kaniyang mukha.



"Can I.....sleep here?" nag aalangang tanong ko. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na nakatabi ko si Mommy sa pagtulog. Basta ang naaalala ko ay noong nag dalaga ako, bumukod na ako ng kwarto.


"Sure! What's wrong with your room?"


Naglakad ako papunta sa kaniyang kama. Dahan-dahan akong sumampa at binalot ang sarili sa comforter ni Mommy. Naamoy ko ang favorite perfume ni Daddy dito.

 

"Nothing, Mom. Na miss ko lang matulog katabi ka."



Pinatay ni Mommy ang ilaw pagkatapos niya sa ginagawa. Sumampa na rin siya sa kama katabi ko. Pagkahiga na pagkahiga ni Mommy ay yumakap ako rito. Mag kasama naman kami lagi pero miss na miss ko siya. Na miss ko ang yakap ng isang ina na lagi kong hinahanap noong bata ako.


"Mom," tawag mo rito.

"Hmmm?"


Napapikit ako nang maramdaman ko ang pag haplos ni Mommy sa aking buhok. Tila hinehele ako nito pero sa kabilang dako ay pinabibigat ang puso ko.


"Napaginipan ko noon si Daddy. He wants you to know that he loves you so much and namimiss ka na niya."


I heard her heavily sigh. Alam kong namimiss na rin ni Mommy si Daddy. Ang pabango ni Daddy ang bubungad sa iyo pag pasok mo sa kwarto niya. Ang wedding photos nila na lagi ni Mommy nililinis.


"Tell him....I miss him so much. Sabihin mo sa kaniya na dalawin niya naman ako kahit sa panaginip."


Malungkot akong napangiti. Don't worry, Mom. Pag nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya, sasabihin ko 'yan. Ikukuwento ko sa kaniya ang lahat ng mga pinagdaanan natin.

"Mom, itrain mo na si Charlene sa business. She's old enough to understand everything."


Naramdaman ko ang bahagyang pagkagulat ni Mommy sa suggestion ko. High School lang ang kapatid ko pero alam kong kaya niya ang lahat. Kaya niya akong higitan pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Matalino siya at may potential.

"Pagtapusin muna natin siya ng college. Kaya naman natin dalawa."


Bahagya akong lumayo kay Mommy at umiling.


"No, Mommy. Kailangan na ni Charlene na i-train. Alam kong magugustuhan din niya 'yon dahil iyon ang gusto niya noong bata pa siya," desperadong sambit ko. Hindi nakapag salita si Mommy at parang pinag-iisipan ang sinabi ko.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now