CHAPTER 44

644 15 0
                                    

Reason


"Ikaw, kailan mo balak mag pakasal? 27 ka na. Bigyan mo na ng apo ang Mommy mo," ani ni Nana Elma habang hinahatid ako sa hamba ng pintuan. Tinawag ko ito upang magpaalam na naalis na ako at kung maaari ay tingan si Mommy. Ngayon na ang flight ko papuntang boracay.

"Hindi naman ako nag mamadali, Nana Elma."



Inabot ko sa  Driver ang isang maleta na dala ko at inilagay ito sa sasakyan.

"Sana ay maabutan ko pa ang magiging anak mo."



Nakangiti naman akong bumaling dito. Hindi nagkakahuli ang edad ni Mommy at Nana Elma. Sa aking tingin ay 4 o 5 taon ang agwat ni Nana Elma. Katulad ni Mommy ay may bakas na ng pagkakaedad nito pero mas malakas naman ang katawan ni Nanay Elma kaysa kay Mommy.


"Huwag ka ganyan mag salita, Nana Elma. Maabutan mo pa ang magiging anak ko at magiging anak ng anak ko," pabiro kong sabi rito na kaniyang tinawanan.


"Oh sige na, lumakad ka na at baka maiwanan ka ng flight mo. Tumawag ka o mag text kapag nandoon ka na, ha?"

May malaking ngiti akong tumango rito at nagmano bago umalis.

Pag pasok ko ng sasakyan ay tiningnan ko ang oras sa aking relo. 2:30 p.m at sigurado akong nasa trabaho pa si Dylan dahil sabi niya ay 3:00 p.m ay out niya. Kaya naman sa halip na tawagan ito ay tinext ko na lang ito na paalis na ako ng bahay. Tumaas naman ang kilay ko na wala pang isang minuto pagkatapos mag send ng message ko ay tumawag ito.


"Did you take your lunch?" bungad nito sa akin.


"Uhm...yeah."

"Did you sleep well last night?"


Pigil naman ang ngiti ko sa tanong nito.


"Oo," pagsisinungaling ko.


Magdamag kaming magkausap kagabi sa phone at halos hindi matapos ang aming kwentuhan. Nung una ay phone call lang pero kalaunan ay nag usap na kami through video call. Natapos ang pag-uusap namin ng bandang alas dos. Natawa pa kami pareho nang malaman ang oras dahil hindi namin ito namalayan.



"Cause i'm not. You kept running on my mind. This is bad." Pumalatak ito. "Look how crazy I am with you." Kunwaring dismiyadong tono nito.

Naiiling akong napangiti. "Bolero."


Humalakhak ito sa kabilang linya dahil sa tugon ko sa pangbobola niya.


"Do you think I'm joking?" natatawa pa ring paghahamon nito.


"Bakit hindi ba?" sersyoso kunwaring tanong ko.


"Sa sobrang baliw ko sa'yo, pati pangalang ng school na pag aari ko ay nakatugma sa'yo. Anatolia means sunrise, Amara. Kahit malayo ka......kasama ka sa mga plano at pangarap ko."



Natutop ko ang aking bibig sa seryosong paghayag nito. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya iyon. Bumigat ang aking dibdib sa aking naisip.


"B-Bakit mo 'yon ginawa?"


Natahimik ito.


"Paano kung hindi pala ako bumalik? Paano kung-"


"Handa akong mag makaawa sa Mommy mo para makita ka. Handa akong lumuhod sa kaniya, Amara. Kung iyon na lang paraan na meron ako.....gagawin ko."


Last Sunrise (Last Series#01)Место, где живут истории. Откройте их для себя