CHAPTER 22

532 17 2
                                    

Invited

Paikot-ikot ako sa kama para humanap ng komportableng ayos. Naka ilang biling na ako pero hindi ako dalawin ng antok.

'It doesn't matter'


Parang naririnig ko ang boses niya sa text na narecieved ko galing sa kaniya. Bumubulong ko isip ko ang boses ni Sir Dylan na sinasabing 'It doesn't matter'. Hindi ako nag reply, inignora ko ang text niya. Hindi ako mapakali. May gumugulo sa akin pero hindi ko alam kung ano. Gulong-gulo ang takbo ng isip ko. Should I avoid him? What does he want? What's his plan? Is he has a plan to court me? What should I do? I like him but he's my professor.


Hindi na ako nakatiis at kinuha ko ang aking cellphone sa tabi ng lampshade para tawagan si Aloisia. Siya ang dapat kong tawagan dahil siya ang napansin kong may napapansin din sa galaw ni Sir Dylan. Napansin ko ang garapon sa tabi ng lampshade, napakaganda nito tingnan. Nagniningning ito dala ng mahinang ilaw.


"Hey! What's up?" May narinig akong ibang boses sa background ni Aloisia pero tumahimik din ito. Siguro ay nasa sleepover na naman siya.

"Aloisia,"

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kung paano ko aaminin sa kanya.


"A-Aloisia....." umalis ako sa pagkakahiga at tumayo sa harap ng sliding door ng aking kwarto. Binuksan ko ito para pumunta sa veranda. Sinalubong agad ako ng malamig na hangin ngunit binalewala ko ito kahit na short shorts and spaghetti strap lang ang suot ko.


"Hey! Ano problema?"

"Aloisia, m-may.....may......gusto sa akin si S-Sir Dylan." Nautal ako sa pag banggit ng pangalan ni Sir Dylan. Ang pag banggit sa pangalan nito ay parang kasalanan na sa akin. Napapikit ako ng mariin.


Akala ko ay nawala sa linya si Aloisia dahil naging matagal ang katahimikan nito, pero naririnig ko ang mahinang volume na nanggagaling sa TV niya.


"Alam ko."

Ako naman ang napahinto sa sagot ni Aloisia. Sunod-sunod ang aking pag lunok. Sa boses niya ay parang wala lang ang nalaman galing sa akin. Ni hindi man siya nabahala katulad nang nararamdaman ko.


Narinig ko ang pagsara ng pinto nito, siguro ay lumabas siya.


"A-Alam mo? Paano?" gulat na tanong ko. Pabalik-balik ako sa paglalakad sa veranda. Nawala ang nararamdaman kong lamig dahil pinag papawisan ako ngayon.


"What's the matter, Amara?"

Napahinto ulit ako.

"Aloisia, Professor siya at studyente niya ako. Hindi pwede!" nakapamewang kong pagpaliwanag kay Aloisia. Kahit saang anggulo tingnan ay hindi pwede.

"What's the matter, Amara? Bakit parang nababahala ka? Marami rin naman ang nagkakagusto sa'yo pero hindi mo pinapansin. Ano ang pinagkaiba ni Sir Dylan sa mga nalaman mong may gusto rin sa'yo? Anong big deal doon?"


Napansin ko ang nanghuhuling tono ni Aloisia. Kung kaharap ko siya ngayon ay sigurado akong nanliliit ang mga mata nitong nakatitig sa akin.


Ako naman ang nagbigay ng katahimikan sa amin ni Aloisia. Natahimik ako sa sunod-sunod na tanong niya. Tama siya. Sa dami ng umamin sa akin ay parang wala lang naman sa akin. Ito lang ang unang beses na nabahala ako. Ito ang unang beses na nagbigay sa akin nang dahilan na hindi makatulog. Ito ang unang beses na natakot ako.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon