CHAPTER 42

629 14 0
                                    

Song

Astrid is having fun with her boy toy tonight. While Aloisia is dancing wildly on the dance floor. Nakaupo lamang ako sa couch kaharap ang alak kasama si Astrid at ang isang lalaki, na malanding nagbubulungan.

Sa pagbaba ko ng aking shot glass ay ang pagbalik ni Aloisia sa pwesto namin. Masama ang timpla ng mukha nito at padabog na umupo sa aking tabi.


"Hindi 'yan tubig, Aloisia," ani ko ng tatlong beses itong uminom ng sunod-sunod.


Umusog ito sa akin at ambang bubulong. Binalingan muna nito si Astrid at ang lalaki na papuntang dancefloor.


"Si Sir Dylan nandito," bulong nito sa akin. Mabilis namang nag react ang katawan ko. Nilibot ko ang aking mata sa pag asang magkikita ko siya.


"Saan?" tanong ko. Ngumisi naman ito sa akin.


"Bakit pupuntahan mo?"


"Hindi, ah! B-Bakit ko naman siya pupuntahan?"


Tumawa ito sa reaksyon ko. Palihim ko pa ring sinusuyod ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit hindi mapirimi ang aking mata habang hindi ko siya nakikita.

"Nandoon sa dulo kasama si Ma'am Lyca at mga kabatchmate niya. Reunion siguro."

Straight kong nainom ang aking shot ng marinig ko ang pangalan ni Ma'am Lyca. It's been 4 years without seeing her. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? O baka naman sinabi na ni Sir Dylan ang pagkikita namin sa New York at sa school.

"Ano tutulala na lang kayong dalawa diyan?!" napapitlag ako sa gulat sa sigaw ni Astrid. Bumalik ito sa amin ng hindi na kasama ang lalaki kanina.

"Sayaw tayo!" paghila nito sa barso namin ni Aloisia. Wala akong nagawa ng silang dalawa na ang humila sa akin.


"Let's enjoy this night!" tumatawang sigaw ni Aloisia at sumabay sa beat ng kanta. Binababa ko naman ang tumataas kong fitted siya at nakisali sa dalawa.

Sobrang saya. Sa dala ng alak ay naging wild kaming tatlo sa dancefloor. Nakalimutan ko ang pag iisip na nandito lamang sa paligid ko si Sir Dylan. Malakas kaming tumawa sa ginawang sayaw ni Astrid. Napalingon ang iba sa amin sa malaswang pagsasayaw nito. Napapalakpak naman ako ng labanan siya ni Aloisia.


"Amara, your turn!" Pag turo sa akin ni Astrid.

Tumatawang 'kong hinawi ang aking buhok ay ginaya ang ginawang pagsasayaw ni Astrid. Napahalakhak ako nang magulat sila sa aking ginawa. Maski ako ay hindi ko akalain na gagawin ko ito. Sa inpluwensya ng alak ay nagawa ko ang bagay na hindi ko naman talaga ginagawa. Alam kong bukas kapag nasa katinuan na ako ay pagsisisihan ko ang aking ginawa.


"You are so fucking hot, Amara!" tumatawang sigaw ni Aloisia.


Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya nang biglang magbago ang kanta. Nagsigawan ang ibang nagsasayaw sa pagkakamali ng Dj. Ang masayang tugtog ay napalitan ng malumanay na kanta. Bigla akong nabuhayan ng dugo nung marinig ko iyon. Bigla na lamang akong napatulala sa kawalan.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now