CHAPTER 17

559 19 3
                                    

Confrontation

"Ang aga mo nagising ngayon."

Napalundag ako sa gulat nang marinig ang boses ni Mommy sa kusina. 6:00 a.m pa lang at nilalagay ko sa tupper ware ang nilutong adobo. Gumising talaga ako ng maaga para iluto ang dadalhin ko mamaya kay Sir Dylan.

"Ahh..nag luto ako, Mi."

Nilagay ko sa isang maliit na paper bag ang tupper ware at dinikit ko ang maliit na notes. Balak ko sanang iwanan na lang ito sa table ni Sir Dylan mamaya.

"Sabi sa akin ni Elma nag sanay ka raw lutuin 'yan kagabi. Para kanino ba 'yan? Kay Joaquin?"

Saglit akong napahinto sa ginagawa ko. Dapat ko ba sabihin kay Mommy na para 'to kay Sir Dylan? Hindi kaya magtaka siya kung bakit ko 'to ginagawa?

"A-Ahh....yes, Mi." Pag sisinungaling ko.

Ibinaba nito ang ininumang baso at kinuha ang bag sa table. Mukhang maaga siya papasok ngayon sa office.


"Mukhang nagkakamabutihan kayo, mainam 'yan. Maging practical ka, Amara," huling pahayag ni Mommy bago lumisan.

Salungat ang pananaw namin ni Mommy, pero hindi ko iyon maisantinig. Hindi ko masabi sa kaniya na hindi magiging kami ni Joaquin dahil lang sa negosyo. Hinahayaan ko na lang siya sa gusto niya isipin. Ayoko pagtalunan pa namin ang ganoong maliit na bagay.

"Ang mommy mo talaga, tsk! tsk!" Iling-iling si Nana Elma, na pumasok sa kusina dala ang mga pinamili.


"Anong problema, Nana Elma?"


"Yung mommy mo, pilit na iginagaya ang kapalaran mo sa kapalaran niya. Iba ang Daddy mo sa lalaking binabanggit niya."

Naguluhan ako sa mga sinasabi ni Nana Elma, pero nakasisiguro ako na si Joaquin ang tinutukoy niya. Buti na lang at maaga ako nagising kaya may oras ako makipag kwentuhan kay Nana Elma. Hindi ako nagtatanong kay Mommy kung paano sila nagkatagpo ni Daddy. Ang alam ko lang ay pinag kasundo silang dalawa.


"Yung Mommy mo patay na patay sa Daddy mo non. May karelasyon yung Daddy mo noong pinag kasundo sila. Tuwang-tuwa ang Mommy mo noon nang malaman na ikakasal siya sa Daddy mo. Naku! Alam na alam ko ang kaharutan ng Mommy mo noong mabata-bata 'yan. Sa pag daan ng panahon, eh, natutunan na rin mahalin ng Daddy mo ang Mommy mo." Pag kukwento ni Nana Elma.

Hindi ko alam ang bahaging ito. Wala sa aking naikwento si Mommy. Pero si Daddy sinasabi niya sa akin kung gaano niya kamahal si Mommy. Bata man ako nang iwan kami ni Daddy, tandang-tanda ko naman kung gaano kami kasaya.

Kung ang sinasabi ni Nana Elma na itinutulad ni Mommy ang kapalaran ko sa kapalaran niya, ibig sabihin ba noon ay matututunan ng isa sa amin ni Joaquin na mahalin ang isa sa pag lipas ng panahon? Iniisip kaya ni Mommy na matututunan ko mahalin si Joaquin or matututunan ako ni Joaquin mahalin sa pagdaan ng panahon?

"Anong nangyari dating karelasyon ni Daddy, Nana Elma?" tanong ko.


Sa tingin ko ay masakit iyon sa part ng dating girlfriend ni Daddy. Imagine, sila ang magkarelasyon pero sa iba nag pakasal si Daddy. Pero siguro way na rin ng tadhana iyon dahil naging masaya naman ang pag sasama nila ni Mommy. At alam kong hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin ni Mommy si Daddy. Hindi ito nag balak na humanap ng kapalit ni Daddy kahit maraming nagtatangka na manligaw sa kaniya.


"Ay naku, Amara! Huwag mong isipin ang sinabi ko. Gumayak ka na at may pasok ka."


Noon ko lang napansin na napasarap nga ang kwentuhan namin ni Nana Elma. Mabilis akong gumayak at bitbit ang paper bag ay nagtungo ako sa school.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now