CHAPTER 36

533 16 0
                                    

News


Napadilat ako nang marinig ko ang pagbukas ng aking pinto. Kanina pa ako gising pero pinili ko na manatili muna sa aking kwarto. Wala rin naman akong gagawin at hindi ako dinadalaw ng gutom.

"Cous, mauna na 'ko. I think late na ako makakauwi." Pag pasok ni Klea.

Inalis ko ang comforter sa aking katawan at umupo sa aking kama.

"Oh sige, pasyensya ka na. Next week mag start na ako."

Sinuot ko ang aking tsinelas at pumunta sa harap ng salamin. Namumugto ang aking mata. One week in New York wala akong ginawa kun'di ang magmukmok at umiyak.


"Ano ka ba? Okay lang. Napagdaanan ko na rin 'yan kaya naiintindihan ko," ani nito at ngumiti sa akin na may sensiridad.


"Nainlove ka rin sa Prof mo?" natatawang tanong ko.


"Hindi no! Ang old na kaya ng mga naging Prof ko. Panat na 'yon."



Hindi ko napigilan matawa sa pahayag nito. Sobrang thankful ako na siya ang kasama ko rito dahil para siyang combination ni Astrid at Aloisia. Pasaway at may pagkamaharot sa lalaki. Namiss ko tuloy bigla ang dalawang iyon. Ang tagal na naming hindi nagkaka-usap at ito ang pinaka-matagal na hindi ko sila nakausap.



"By the way, dumaan si Joaquin may dalang pagkain. Kumain ka na, okay? Mauna na ako. Huwag mong pababayaan ang sarili mo."



"Ako na bahala sa sarili ko."



"Kahit gaano ka kawasak ngayon, 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Self love is a must."



Lumabas ako sa aking kwarto suot pa rin ang aking ternong pantulog. Hinatid ko si Klea sa pinto.


"Oh, I forgot! Yung phone mo nandoon din sa table. But....sasabihin ko na sa'yo ng maaga, Amara.....connected ang phone mo kay Tita." Naramdaman ko ang awa nito sa akin. She knows everything. Sinabi ko sa kaniya ang lahat na nangyari sa buhay ko. Sa lahat kasi ng pinsan ko ay sa kaniya ako pinaka malapit. Siya ang naging iyakan ko sa loob ng isang linggo rito sa New York.


"It's fine, Klea. Sige na pumasok ka na." Pagkuway ko rito at binigyan ng maliit na ngiti.


Pagka alis ni Klea ay agad kong isinara ang pinto. Pahilahod ang aking mga paang bumalik ng sala. Binuhay ko muna ang TV para magkaroon ng ingay bago pumunta ng kusina. Naabutan ko ang nakahaing pagkain doon na tiyak na galing kay Joaquin. Madalas niya itong gawin dahil magkatabi lang condo na tinutuluyan namin. Pagdating niya rito ay start na agad siya ng trabaho, hindi katulad ko na isang linggo nang nakakulong dito.


Binuksan ko ang isang paper bag malapit dito. Ito ang cellphone na si Mommy tiyak ang bumili. Hinila ko ang upuan habang sinusuri ito. Halata ngang napakailaman na ito ni Mommy dahil may mga nakasave na number. Tanging kaniya at kay Joaquin lang ang nandoon.

Naaakit ako na buksan ang aking mga social media accounts or gumawa ng bago, kaso ay may pangamba rin ako na konektado iyon kay Mommy. Masyadong matalino ang Mommy ko kaya alam kong gagawin non ang lahat malaman lang ang mga activity ko. I can't take risks. Mababalewala lahat ng sakripisyo ko.



"Hi, first caller." Bati ko nang tumunog ang cellphone sa kamay ko dahil sa tawag ni Joaquin.


"Kumain ka na ba? Nagdala ako ng breakfast diyan dahil alam kong wala sa inyong marunong magluto dalawa."


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now