CHAPTER 8

650 18 0
                                    

Like and Dislike

Mahina kong tinampal ang aking magkabilang pisngi habang nakaharap sa salamin. Namumutla ang aking mukha at nangingitim ang ang ilalim ng aking mata. Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos kaya ito ang naging bunga. Para akong puyat na Zombie.


Ibinaba ko ang suklay na harap ng salamin at kinuha ang gamit para sa pag pasok. Hindi ko alam kung may kapal pa ako ng mukha para pumasok sa klase ni Sir Dylan. Kung pwede lang mag drop out ay baka ginawa ko na. Kahapon ay nabigo ko ang bata na babalik ako sa playground dahil linggo. Hindi ko alam kung hinintay niya ako pero hindi ako tumupad sa usapan dahil baka ayain na naman ako na 'yon sa bahay nila. Hindi ko pa kayang humarap kay Sir Dylan dahil sa kahihiyan.

Pagbaba ko ng sasakyan sa parking lot ay nakayuko na akong naglakad. Sa puti ng aking kutis ay pansinin ang pangingitim nito. Sinubukan ko itong tabunan kanina ng concealer pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Hindi ako maalam sa make up kaya hindi ko ito mapantay.


"Amara!" pamilyar na boses mula sa likod ko.


Hindi pa man ako nakakalingon ay nasa harapan ko na ito. Si Joaquin na naka varsity uniform.

"J-Joaquin," agad akong nagbaba nang tingin dahil nahihiya ako. Ang pangit ko ngayon.

"Are you okay? I heard what happened last friday." Nag aalalang tono nito.

"Uhm...O-Oo, okay lang ako," mababang boses ko.


"Joaquin! Late ka na!" isang sigaw ng lalaki mula sa malayo.


Napa-angat naman ako nang tingin kay Joaquin nang hawakan nito ang mga kamay ko. Kita ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata.

"Sorry dahil sa akin na paaway ka. 'Wag ka mag-alala, babawi ako sa'yo, okay?" nakangiting sabi nito. Marahan naman akong tumango sa kan'ya. Hindi ko alam kung paanong pagbawi ang sinasabi niya basta pumayag na lang ako.



"Good. Mauna na 'ko." Pamamaalam nito. Saglit akong nanigas sa aking kinatatayuan nang halikan ako nito sa noo bago patakbong pumunta sa gym. Nang sundan ko siya nang tingin ay wala na siya. Hinalikan ako ng crush ko sa noo!


Nang mag patuloy ako sa paglalakad ay nakita ko si Sir Dylan na nakatayo sa labas ng pintuan ng faculty. Hatalang kadarating lang din nito dahil may bag pa ito sa balikat. Biglang napawi ang ngiti ko. Nakatingin ito sa gawi ko pero hindi ko makita kung anong expresyon ang meron siya ngayon. Nakayuko akong nagpatuloy sa paglalakad para pumasok sa room.


"Hi, Amara! Mukhang may pinagpupuyatan ka ngayon, ah." Pag puna sa akin ni Neil pag pasok ko sa room. Sinimangutan ko na lang ito sa pang-aasar niya.


"Ang galing! Friendship goals kayo ni Astrid!" malakas na tawa nito at pumapalakpak pang dagdag ni Neil.


Binalingan ko naman si Astrid na masamang nakatingin kay Neil. Katulad ko ay halatang kulang din ito sa tulog.


"Napuyat ako sa KDrama!" depensya ni Astrid.

"We were--" hindi na naituloy ni Asher ang sasabihin dahil agad siyang binatukan ni Astrid. Mukhang nagiging close na ulit sila.



Umupo ako sa upuan ko at hinintay ang first subject. Bakante ang kaliwa kong upuan dahil may practice si Joaquin. Sa kanan ko naman ay si Maisie na nakadukdok.


"Amara Miykal!"


Napalundag ako sa gulat dahil sa isang sigaw. Masama ang tingin sa akin ni Aloisia habang naglalakad papasok ng room. Padabog nitong ibinaba ang bag at nakasimangot sa aking tumingin.



Last Sunrise (Last Series#01)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum