CHAPTER 29

501 17 0
                                    

Mask


"Can I have this dance?"

Paglapit sa akin ni Neil. Nakilala ko na siya agad dahil sa mapanlarong ngisi nito. Inabot ko ang nakalahad na kamay nito at dinala ako sa gitna ng dance floor.


"Ikaw ang first dance ko. Ikaw ang unang kong inaya," ani nito habang sumasayaw kami ng maharan kasabay ng iba naming schoolmate. Napansin ko si Maisie na nakatitig sa akin kaya ningitian ako ito ngunit nag iwas lang ito nang tingin.



Ngumiti ako kay Neil. "Bakit ako? Dapat si Aloisia," sagot ko na may kasamang panunuya. Iiling-iling ito at mahinang tumawa.


"Parehong kaliwa paa non."


Sabay kaming natawa pareho dahil naapakan ko ang sapatos nito. Kanina rin habang nagsasayaw kami ni Joaquin ay dalawang beses ko ito naapakan ngunit wala naman ako narinig ditong reklamo. Napapapikit na lamang ako tuwing magagawa ko iyon.



"By the way, si Asher bakit hindi umattend?"


Inikot muna ako nito sa pagsasayaw bago ako nito sagutin.


"He's here. I'm sure he wont let his girl dance alone."



His girl? So nagkabalikan pala sila ng ex niya. Tahimik na rin ang issue about kay Astrid at Asher kaya baka nga nagkabalikan na ang dalawa. Sinubukan ko ilibot ang tingin kahit na malabong makita ko si Asher.


Tahimik naming tinatapos ni Neil ang kanta. Na conscious nga ako dahil marami ang tumitingin sa amin ni Neil. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa akin. Kanina rin habang naglalakad pabalik sa upuan ay madalas ang paglingon sa akin ng iba. Napayuko ako dahil nahihiya na ako sa mga tingin nila. Sa tingin ko ay may mali talaga sa mukha ko kahit na naka suot naman kami ng mask.


"Don't mind them, Amara. You're gorgeous and I'm handsome tonight, more handsome tonight that's why they're staring," nagbibirong sabi ni Neil. Natawa naman ako. Hindi talaga mawawala ang pagpuri nito sa sarili niya. Well totoo naman. The moment he removes his mask a lot of girls begin to drool. Pinalo ko ng mahina ang balikat nito.


"Huy! Bawal daw alisin yung mask."

Ngumiti naman ito ng malaki nang marinig ang tilian ng mga babaeng malapit sa amin.



Isa sa rule na ibinigay sa amin ay ang pagbabawal na alisin ang mask. Pangalawa, ay ang pag-alis sa venue ng hindi pa natatapos.


"Sayang naman ang kagwapuhan ko kung hindi nila makikita. Ayokong umuwi sila ng may panghihinayang dahil hindi nasilayan ang mukha ko," mayabang na pahayag nito. Napailing na lang ako. Rule breaker talaga. Pareho sila ni Aloisia dahil napansin ko ito sa kinauupuan namin na wala ng suot na mask at nakangisi kay Astrid saka bumulong.



"Try mo, may lalapit sa'yong uhaw na tigre," tumatawang sabi ni Neil.


Nagulat ako sa ginawa nito. Mabilis nitong inalis ang suot kong mask at parang bula na umalis sa aking harapan. Laglag ang panga kong nakatayo sa gitna ng dance floor habang tinitingnan ang dinaanan ni Neil. Ang mga babae na dinadaanan niya ay napapalingon dito. Iniwan niya ako bitbit ang masquerade mask ko!



Lalo akong na estatwa sa aking kinatatayuan nung may makasalubong ang aking mata. He's wearing a dark gold masquerade mask. Ang kulay kape na mata nitong kumikislap kapag natatapatan ng sumasayaw na ilaw. Matikas ang tindig nito habang naglalakad. Parang naging blurred ang mga tao sa paligid ko. Ang mga mata ko ay nag focus lamang sa kaniya. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako kumukurap hanggang sa makarating siya sa aking harapan.



Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now