CHAPTER 30

571 14 0
                                    

View

Malaki ang ngiti ko habang patakbong bumababa ng hagdan dahil excited akong mag jogging. Pero ang ngiting iyon ay unti-unting nawala nang makita ko si Mommy sa sala. Bumagal ang lakad ko. Nakadekwatrong upo ito at nakahalukipkip ang braso na nakatingin sa akin. Ang mamahaling bag ay nasa tabi. Blangko ang mukha nito ngunit ramdam ko diin ng mga titig.

"Papasok ka na, Mi, sa trabaho?" nag aalangang tanong ko.

Hindi nagbitaw nang tingin sa akin si Mommy. Tumayo ito at lumakad palapit sa akin. Sa bawat hakbang nito ay tumatunog sa sahig na marmol ang suot na heels. I'm so intimidated by her stare right now. Sinasabi ng mata nito na may nagawa akong mali.

"You rejected him?" pagbalewala nito sa tanong ko. Alam ko agad na si Joaquin ang tinutukoy niya.

"I don't love him, Mommy." Pag-amin ko. Nakita ko agad ang disappointment sa mata nito. Lalong lumamig ang tingin nito sa akin.

"I can't love him back, Mommy." Napayuko ako.


"But you like him!" giit nito. Saglit akong napatigil. I don't get her. Ibig sabihin ba non ay dapat kong sagutin si Joaquin dahil nagustuhan ko siya? Hindi ba dapat ay mahal mo ang isang tao?

"As a friend, Mommy."


Napailing ito sa akin na parang isang malaking kalokohan ang sinasabi ko. Tila hindi ito kombinsido.

"I already planned everything, Amara. After you graduate you will go to New York with Joaquin. I going to take over to your name the agency and he will manage their company. You ruined your bright future, Amara," dismayadong pahayag nito.

"I can go to New York without him, Mommy," sagot ko kahit na hindi ako sang-ayon na pumuntang New York. Ang pinsan ko ang nag hahandle ng modeling agency sa New York, kaya napapaisip ako kung bakit doon ako gusto dalhin ni Mommy. Siguro ay gusto niya talaga na huwag akong malayo kay Joaquin. Kung nasaan ito ay gusto rin niyang nandoon ako.


Inilingan lang ako ni Mommy at nilagpasan ako para umakyat ng hagdan. Sinundan ko ito nang tingin. I'm sorry Mommy. Mapagbibigyan kita sa lahat ng bagay pero hindi ang bagay na ito. Hindi ko itataya ang kasiyahan ko. Higit sa lahat ay wala akong planong pumunta ng New York.


Paglabas ko ng bahay ay doon ko lang napansin na umulan pala. Siguro ay kagabi. Basa kasi ang lupa at ang mga halaman. Bilang lamang sa daliri ang mga nag jojogging pero hindi dahilan iyon para hindi ako tumuloy ngayon. May usapan kami ni Sir Dylan na hihintayin niya ako sa playground para sabay kaming mag jogging. Syempre kinilig ako. For me, it's more romantic than going to the mall and watching a movie.


Pagdating ko sa lugar ay natagpuan ko siya. Nasa swing at pinanonood ang hinahangin na mga puno. Tumigil ako saglit para inormal ang paghinga. Hinihingal ako sa aking pagtakbo. Nagtaka ako dahil hindi ito nakapang jogging. Naka jersey short lang ito at plain white t-shirt.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya pero agad ako nitong napansin nang maapakan ko ang mga tuyong sanga. Bakas ang gulat sa mata nito.

"Hey, Good morning...." bati nito at hinagod ako nang tingin.

Ngumiti ako. "Good morning...." bati ko pabalik. Umupo ako sa katabing swing nito.

"I thought you're not coming."

"But I promised yesterday." Pagbaling ko rito. Hindi ito nakasagot at tinitigan lang ako sa mukha. Na conscious ako kaya naman bumaling ako sa aking harapan at mahinang inugoy ang swing.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon