CHAPTER 11

579 18 0
                                    

Failed


It's Wednesday at halos lahat ngayon ay busy sa kaniya-kaniyang  mga notes para sa midterm. I was focusing on the corner of our classroom and suddenly my phone vibrate. I receive a text from an unknown number.


Unknown

Please study lesson 4 well. I don't want you to fail my exam.

----------------

Agad kong binura ang message pagkatapos ko itong basahin. Hindi na ako magtataka kung saan niya nakuha ang number ko, dahil lahat kami ay may record sa kaniya. Malakas ang kutod ko na si Sir Dylan ang nag text dahil sa pagkakaalala ko ay sa lesson 4 ng subject niya ako bumagsak.


"What are you doing, Neil? Is that senior high school module? Why are you reading that?" maarteng tanong ni Astrid nang mapadaan ito sa gilid ni Neil. Agad naman tinago ni Neil ang hawak na aklat at tumayo.

"Walang basagan ng trip!" asik nito kay Astrid bago lumabas.

Binalik ko ang atensyon sa mga notes na nasa harapan. I'm so desperate to memorize all the formulas on my major subject. It's my weakness kaya kailangan ko pagtuonan ng pansin. I don't want to fail lalo na sa subject ni Ma'am Lyca.


My phone vibrates again. A text from the same number.

Unknown

If you have a hard time to study, you can ask me. Don't hesitate to ask me.

------------------

Sa pagkakataong ito ay nag reply na ako.

Reply

Thanks!

----------

Maikling sagot ko.

Now I'm starting to ask myself if this is normal. Texting his student? He started to confuse my mind. He started to give me a sleepless nights. Ayokong isipin na may special treatment siya sa akin pero iyon ang pumapasok sa isip ko.


Sa halip na nagbabasa ngayon ay lumilipad na naman ang isip ko. Paulit-ulit kong binabalikan ang binabasa pero parang walang pumapasok sa isip ko. Nawawala ako agad sa wisyo kapag naaalala ko ang mga ngitian naming dalawa kapag nagkikita. Yung unti-unting pagkawala ng pagkailang ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay unti-unti ay nagiging komportable ako.


"Tangadan Falls tayo sa Friday?" pag aaya ni Aloisia.

"G. Ako!" sagot ni Astrid.


"Sige...." pag payag ko rin.

Ganito kami pagkatapos ng midterm, chill, gala or outing. Minsan deserve rin naman naming magpahinga sa nakakapagod na mga activities sa school. Midterm palang ito pero stressful na, paano pa kaya sa finals at second sem? Alam kong doon na kami tatambakan ng mga gawain.

"Can I come? Sagot ko na lahat!" ani ni Joaquin. Sabay  namang bumaling sa akin ang dalawa at nang aasar ang mga tingin.

"Sure! Mas marami, mas masaya!" pag payag ni Aloisia. Nakangiti namang bumaling sa akin si Joaquin at sinuklian ko rin ito ng ngiti.

"Guys! Announcement! Papasok daw si Sir Dylan tapos after niya pwede na raw tayong umuwi!" sigaw ng President namin.

Nagsiayusan naman ang lahat at bumalik ako sa aking upuan. Habang sinisinop ko ang aking notebook ay may napansin akong ibang sulat kamay sa likod nito.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon