CHAPTER 24

505 17 0
                                    

Drunk


Nung araw na napagdesisyonan ko na iwasan niya ako, ay tuluyan na ngang nangyari. Hindi ko inaasahan na isang salita ko lang ay gagawin niya. Tumango siya sa akin non at unti-unti naglakad palayo ng walang lingunan. Napaupo ako sa malamig na sahig ng computer room dahil sa panghihina ng aking tuhod. Tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa aking pisngi. Hindi ko ito napigilan sa bigat ng dibdib nung oras na iyon. Pinili kong layuan niya ako dahil hindi ko siya kayang layuan. Alam ko sa sarili ko na madadala ako ng pakiramdam ko. Alam ko sa sarili kong mangingibabaw ang nararamdaman ko.



Napag uusapan pa rin kami pero hindi na tulad noon simula nung mag labas ng statement ang school about sa issue. Almost two months na 'kong walang narerecieve na text mula sa kaniya hindi tulad noon. Almost two months na hindi niya ako tinitingnan. Nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko tuwing magkakasalubong kami at hindi niya ako malingon. Para akong hangin na nadadaanan lang niya. Samantalang ako ay parang mapipigtas ang aking pag hinga tuwing magkakasalubong kaming dalawa. Hindi ko naisip na ganitong pag-iwas pala ang gagawin niya. Parang binura niya ang existence ko sa klase niya. Parang wala siyang kilalang Amara.


"Feel na feel niya talaga ang pagkakakapit, ah."


Napalingon ako sa tinitingnan ni Aloisia. Nakita ko ang kumpol na mga Professor sa harap ng faculty. Nandoon si Sir Dylan na tumatawa at si Ma'am Lyca na nasa tabi niya, na nakakapit sa braso nito. Nakaramdam ako nang paninikip ng aking dibdib. Kitang-kita ko ang saya sa mata ni Sir Dylan habang nakatingin kay Ma'am Lyca, na pulang-pula ang pisngi ngayon. Napakabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Sir Dylan nang mahagip ako nito nang tingin. Napayuko na lamang akong sumabay sa paglalakad ni Aloisia.


"B-Baka.....sila na," mahinang sabi ko. Nawalan tuloy ako ng gana sa iniinom na shake.

"Hmm? Malabo," tugon ni Aloisia.


Hindi malabo iyon. Anytime pwede mahulog si Sir Dylan kay Ma'am Lyca. Bagay sila at perfect couple sila sa paningin ng iba.

"Nakita mo ba......yung ngiti niya habang nakatingin kay Ma'am Lyca?" nawawalang pag-asang tanong ko. Nasaktan ako sa ngiting iginagawad niya kay Ma'am Lyca kanina. Iyon yung ngiti niyang parang ikaw lang ang nakikita niya. Yung ngiting ikaw ang pinaka maganda sa paningin niya. Kaya siguro ganun kapula ang pisngi ni Ma'am Lyca dahil kinikilig ito sa ngiti ni Sir Dylan.

"Oo naman. Ikaw ba? Nakita mo ba ang ngiti niya kapag nakatingin siya sa'yo?"


Napabaling naman ako kay Aloisia dahil dito. Nanunukso ang mga tingin nito. Nakaramdam ako ng kaunting saya sa sinabi niya, pero agad ding nawala nung may maalala ako. Ni hindi nga niya ako matingnan, ako ang lagi nakatingin sa kaniya ngayon. Kung hindi kunot ang noo ay poker face.


"Nag selos ka?" nanunuksong tanong ni Aloisia at sinundot nito ang tagliran ko.


"H-Hindi, ah!"


Hindi ko nga napangalanan ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay nalungkot ako at nasasaktan ako sa ginagawa niyang pag-iwas.


"Sus! Aminin mo na nag selos ka. Kahit sino namang tao na makitang may kasamang ibang babae ang gusto nila at nakikipagtawanan pa, tiyak na makakaramdam ng selos!" iiling-iling na pahayag ni Aloisia. Siguro nga nag selos ako, pero wala naman akong karapatan na mag selos. Hindi kami at walang kami.


"Ano 'to?" tanong ko kay Astrid sa pag-abot nito sa amin ni Aloisia ng papel.


"Result ng exam."


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now