CHAPTER 40

636 15 0
                                    

Treatment


Tinutulungan ko si Astrid na bitbitin ang kaniyang maleta sa sasakyan ni Joaquin dahil ngayon na ang pag-alis nila. Tapos na ang apat na araw na bakasyon at balik pinas na ulit sila. Gustuhin man nila mag tagal ay hindi pwede dahil hindi na kami katulad noong college na maraming oras. May kanya-kanya na kami ngayong priority sa buhay na kailangan unahin.


Hindi ako pumasok sa opisina para ihatid sila ganun din si Joaquin. Si Klea naman kahit gustuhin niya ay hindi pwede dahil may appointment siya ngayon.


"Dinala mo yata pati damit ng Mama mo." Pag-agaw ni Neil sa maletang dala namin ni Astrid. Binitbit nito gamit ang isang kamay at isinakay ito sa likod ng sasakyan ni Joaquin.



"What the fuck, Neil!" galit na sigaw ni Astrid nung hindi naayos ang pagkakalagay ni Neil at nahulog sa sahig ang maleta ni Astrid.


"Opps! Nahulog, sorry!" pang-aasar ni Neil at inayos ang pagkakalagay.


"Sorry your face. Kapag nabasag yung perfume diyan, humanda ka sa'kin." Singhal ni Astrid at pumasok na sasakyan.


Natatawa namang humarap sa akin si Neil. "OA ng kaibigan mo, tester lang naman 'yon."


Sabay naman kaming napalingon sa pagdating ni Joaquin. Naka business attire ito at tutok sa kaniyang cellphone. Ihahatid lang niya sina Aloisia at papasok na siya sa trabaho. Ayaw na sana nila dahil maabala si Joaquin but he insists.



"Should we go now?" tanong nito.


Sinipat ko naman ang likuran niya kung parating na si Aloisia. Nag paalam lang mag CR pero hanggang ngayon ay wala pa siya.


"Neil, tawagan mo si Aloisia." Utos ko.


"Parating na 'yon," sagot nito tutok sa cellphone at tinalikuran kami. Sa pag sakay nito sa front seat ay siya ngang pagdating ni Aloisia.


"Tagal mo," ani ko.

"Ikaw din ang tagal mo mag move on," pilosopong sagot nito sa akin at tumabi na kay Astrid


Sabay kaming pumasok ni Joaquin. Nakapikit kong naabutan sina Aloisia at Astrid habang may pasak na earphone sa tenga. Kulang kami sa tulog halos 3:00 a.m na natapos mag inuman. Ang huling araw nila rito, ay sa condo sila nag stay at napag yayaan na mag inuman. Kay Klea at Joaquin lang hindi halata ang puyat dahil productive pa rin sila.


Halos isang oras ang byahe papuntang airport, kaya naman pumikit na lang din ako nang makaramdam ng antok.


"I heard your plan," mahinang pahayag ni Neil. Balak kong imulat ang aking mga mata sa pag aakalang ako ang kausap niya. Pero narinig ko ang tugon ni Joaquin.

"Which one?" tugon ni Joaquin.


"Leaving your family business and making your own." Bakas ang tuwa sa boses nito.

Pumikit ako ng mariin para pigilan ang sariling makisali sa usapan nila.


"I know, you know his strategy," sambit ni Joaquin at pagbuntong hininga.

Who? Sino ba ang tinutukoy nila? Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila kun'di ang pag-alis ni Joaquin sa kumpanya at paggawa ng sariling pangalan niya. I don't know why. Bakit niya iiwanan ang lumalagong kumpanya at magsisimula ulit sa umpisa?


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now