CHAPTER 26

516 14 0
                                    

Hotter


"Where are you going, honey?"

Napahinto ako sa paglalakad palabas ng bahay nang marinig ko ang boses ni Mommy. Naka bathrobe itong bumababa ng hagdan.



"Uhmm...jogging, Mi." Lumapit ako rito para humalik sa pisngi. Alas syete na ng umaga at mataas na rin ang araw. Ang totoo niyan ay gusto ko lang naman mag lakad sa labas. Ayoko pag pawisan ngayong araw na ito kaya hindi ako tatakbo.

"May treadmill sa taas. Bakit gusto mo pa diyan sa labas tumakbo?" nagdududa ang mga tanong ni Mommy. Ang mga mata nito ay nanunuri. Kinabahanan naman ako agad. Baka nagsumbong na sa kaniya si Joaquin. Normal lang naman na mag jogging ako sa labas dahil matagal ko na 'yon ginagawa, pero ngayon lang nag tanong si Mommy. Ngayon lang siya nagka-interes na tanungin ito.

"Matagal ko naman na 'to ginagawa, Mi."


Nanliit naman ang mga mata nito sa akin. Tila may gusto sabihin pero hindi maituloy.


"Bagong ligo ka? Mag jojogging lang bagong ligo pa?" Sinalat nito ang buhok ko na mabasa-basa pa. Naging balisa naman ako.

"Hindi po, nabasa lang sa pagkakahilamos ko."


Tumango lang sa akin si Mommy pero alam kong hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. I know her so well. Sasang-ayon pero hindi maniniwala. Totoong naligo ako bago lumabas ng kwarto. Nasa pag-iisip ko kasi na baka makasalubong ko si Sir Dylan. Gusto ko na nga sampalin ang sarili ko sa kagagahan ko. Pinaiiwas ko siya sa akin noon pero ngayon, ako ang gustong lumapit sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan na magpadala sa nararamdaman ko sa kaniya. Habang pinipigilan ko ay lalong lumalalim.


Simula noong nalaman ko na hindi pala sila ni Ma'am Lyca ay gumaan ang pakiramdam ko. Palihim na rin kaming nagkakangitian kapag nagkakasalubong pero hindi lantaran para maiwas sa isyu. Hindi ko man nasasabi sa kaniya na gusto ko siya, sa tingin ko naman ay nahahalata niya iyon sa mga ngiti at galaw ko. Normal lang din ang pagtrato niya sa akin sa loob ng klase para hindi mapag isipan ng masama. Kabaliktaran ni Ma'am Lyca na madalas akong pag-initan, lalo na kapag hindi ako nakakasagot sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung napapansin iyon nila Aloisia pero hindi naman sila nagsasalita about doon.


Masaya ako. Iyon lang ang alam kong nararamdaman ko ngayon. Masaya ako tuwing nagkakangitian kami dahil parang nagkakaintindihan kami. Masaya ako kapag nakikita ko siyang nanonood sa practice namin para sa students night. Masaya ako kahit hindi malinaw kung ano kami. Hindi naman ako humihiling na magkaroon kami ng relasyon ngayon dahil hindi pwede. Naiintindihan ko na hindi niya ako nililigawan dahil estudyante niya ako at bawal iyon. Basta masaya na ako kung ano ang mayroon kami ngayon.



Inalis ko ang aking earpod nang makita ko si Daryl sa labas ng bahay nila. Napangiti ako nang matitigan ko ang suot nito. May hawak itong gardening tools sa kanang kamay at nakabota. Mukhang nag aayos nila ng garden ng Daddy niya. Walang pag aalinlangang lumapit ako roon.


"Hi!" mahinang bati ko mula sa likod ni Daryl. Nanlalaki ang mga mata nito nang lumingon sa akin. Nagulat naman ako nang ibaba nito ang hawak at patakbong lumapit sa akin.



"Ate Amara!"


Yumakap ito sa hita ko. Nagniningning ang mga mata nitong nakatingala sa akin. Nakangiti kong ginulo ang buhok nito.


Sa sigaw ni Daryl ay napalingon sa kinatatayuan namin si Sir Dylan. Nakabota rin ito tulad ni Daryl at may hawak na gardening tools. Ngumiti ito sa akin nang makita ako. Pinahid muna nito ng bimpo ang kaniyang pawis bago lumapit sa amin. Hindi ko mapigilan na lalong humanga sa kagwapuhan niya. Walang kupas kahit na pawisan na. Siya lang yata ang pinaka gwapong hardinerong nakilala ko.



Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon