CHAPTER 21

531 15 3
                                    

Confirm


"Si Neil 'yon, ah."


Sabay kaming napabaling ni Aliosia sa pagturo ni Astrid sa isang bench sa garden nang mapadaan kami roon. Nandoon si Neil kasama ang isang senior high school student na babae. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa amin habang nakaupo sa bench. Si Neil naman ay naka tayo sa harapan ng babae habang inaabutan ito ng tubig.


"Hoy, Neil! Bago na naman 'yang kasama mo, ah!"


Matalim na tingin ang ibinigay ni Neil kay Aliosia dahil sa sigaw nito. Binigyan lang ito ni Aliosia ng dirty finger bago kami magpatuloy sa pag lalakad.


"Senior High School lang 'yon, ah. Girlfriend ni Neil?" tanong ko kay Aliosia.

Unang beses na nakita ko kasing senior high school ang kasamang babae ni Neil. Ang mga kadalasan na nalilink na babae sa kaniya ay mga third year at fourth year. Mga babaeng kadalasang tipo ng mga lalaki. Sexy, malaki ang hinaharap, mala model ang height, at mga galing sa kilalang pamilya.



"Ewan ko, baka fling," kibit balikat nitong sagot sa akin.


"Aruy! Selos ka lang, eh." Pag sundot ni Astrid sa tagliran ni Aliosia. Ginatungan ko naman ito nang panunuya.


"Hindi ka ba nagkakagusto kay Neil? Madalas na kayong pagkamalang mag boyfriend sa sobrang close niyo."


Naibuga ni Aloisia ang iniinom na strawberry shake. Sumama ang tingin ni Aloisia sa amin ni Astrid. Ekspresyon pa lang niya ay sinasabi ng hindi iyon mangyayari at hindi niya matatanggap. Minsan na rin kasing kumalat na may relasyon ang dalawa dahil sa closeness nila sa public. May babae pa nga na sumugod noon kay Aliosia, na girlfriend kuno ni Neil that time. Dahil nga kumalat ang balita na 'yon, iba't-ibang babae ang pumunta kay Aliosia. Lalong uminit ang issue dahil marami pa lang girlfriend si Neil. Doon nalaman ng lahat na playboy si Neil.


"Maumay nga kayo! Hindi ako magkakagusto ro'n. Over my dead sexy body!" asik nito sa amin at nagpatiuna sa paglalakad. Malakas nitong itinapon ang shake sa nadaang basurahan. Hinabol naman siya ni Astrid.

Iiling-iling ko na lang sinundan nang tingin si Aloisia palayo. Huminto muna ako sa bench na malapit para iayos ang pagkakadala sa tatlong makakapal na aklat. Hiniram ko ito sa library para humabol sa mga lessons. After 3 days of suspension natambakan ng mga activities na kailangan kong habulin. Binigyan naman kami ng consideration para makahabol. Malaking impact sa grades ang nangyayari sa akin lately. Napapansin ko na nahihirapan ako mag focus.


Inarrange ko ang mga aklat base sa mga laki nito. Dumagdag pa ang malakas na hangin sa pagpapahirap sa akin. Hinahangin ang buhok ko na humaharang sa mukha ko ngayon. Ibinababa ko ang aklat at pinonytail ang buhok. Nang makuntento ay tumalikod na ako dala ang makakapal na aklat, pero pagkabaling ko ay bulto ni Sir Dylan ang bumungad sa akin.


"Let me."

Hindi ako agad nakarespond nang kunahin ni Sir Dylan ang tatlong aklat sa kamay ko. Tumalikod ito sa akin at nagsimulang mag lakad bitbit ang mga aklat. Nang mapansin niya na hindi ako sumunod ay bumaling ito sa akin. Patakbo akong sumunod sa kaniya at sinubukang kunin ang mga aklat.

"S-Sir, Ako na." Inilayo nito sa akin ang aklat para hindi ko maabot.

"Mabigat 'to. Ako na magdadala hanggang classroom mo."

Mabilis akong humabol ulit sa kaniya. Sa laki ng hakbang niya ay naiiwanan agad ako. Pinagpapasalamat ko na walang tambay na estudyante ngayon sa nilalakaran namin. Kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa bawat hakbang naming dalawa ay naririnig ang mga tuyong dahon na naaapakan namin. Sa lakas ng hangin ay nahulog ang mga dahon mula sa puno ng acacia. Napatitig tuloy ako sa tuwid na buhok ni Sir Dylan na dinadala ng hangin. Umaaliwalas ang mukha niya. Sa tingin ko ay bagay sa kaniya kung itatali ang buhok sa gitna. Mukha siyang badboy.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon