CHAPTER 43

638 18 0
                                    

Regret


Nasa kalagitnaan ako nang pagtitipa sa aking laptop nang makatanggap ako ng tawag mula Charlene.

"Pakiiwanan na lang muna 'yan dito. Tatawagin na lang kita kapag natapos na," pahayag ko kay Mateo bago sagutin ang tawag.


"Hi, napatawag ka? Hindi ka pumasok?" bungad ko rito. Inalis ko ang suot na eye glasses at napahilot sa aking sentido.


"Ate, I'm in trouble. P-Please don't tell Mom." Nanginginig na boses nito. Ramdam ko ang kaba sa kaniyang pananalita.


"What do you mean?"


"I know you are busy but...pwede ka ba pumunta ng school ngayon? I'm sorry, Ate, kailangan ko magdala ng guardian ngayon."


"Anong nangyari?" tanong ko habang sinisinop ang aking mga gamit.


"N-Napaaway ako, Ate."


Tumaas ang dalawang kilay ko sa sagot nito. Kahit kailan ay hindi napaaway ang kapatid ko. Hindi siya nasasangkot sa anumang gulo at hindi sanay makipag-away si Charlene. Pino siya katulad ko noong high school at college, kaya nasisiguro ko na hindi ang kapatid ko ang may kasalanan.


"I'm on my way."


Mabilis kong pinasadahan ng suklay ang aking buhok at niretouch ang aking make up. Iniwisik ko sa hangin ang aking pabango at mabilis na umalis ng office. Nadaanan ko pa si Mateo na nasa kaniyang table ay nagpaalam na aalis ako. Nagtaka ako sa gulat na ekspresyon nito nang makita ako.


"O-Okay, Ma'am. T-Tatawagan ko po kayo kapag may emergency," tarantang pahayag nito at tuluyang isinara ang kaniyang laptop na kinatititigan niya kanina.



Malakas akong napabuga ng hangin pag pasok ko ng sasakyan. May konting kaba akong nararamdaman. Pupunta ako sa school na pag aari niya. Kaba at takot ang nararamdaman ko. Dalawang araw na ang nakakalipas nung nangyari sa bar. Masyado niyang ginulo ang isip ko. Ang araw na iyon ay ang huling araw din nang pag-uusap namin. Kaya dalawang araw na rin akong naguguluhan. Bakit hindi man lang niya ako na kinontact? Bakit hindi siya sa akin nagpaparamdam?



Pagkaparada ng aking sasakyan ay nakatanggap ako ng message kay Charlene na sa Dean's Office ako pumunta. Nag doble ang kaba ko pero pinanatili kong blangko ang aking mukha. Ayoko makita niya ang tuwa at kaba sa aking mukha na makita ko siya.


Bago ako tuluyang pumasok ay dalawang beses akong napahinga ng malalim. Saka ko taas noong itinulak ang pinto at naglakad papasok.


"Ate," tawag sa akin ng kapatid ko. Pinasadahan ko naman nang tingin ang mga tao sa loob. Mag isang nakaupo ang kapatid ko at sa harapan niya ay dalawang babaeng estudyante. Sa likod ng mga estudyante ay mukhang mga Guardian nito.


"Amara, have a sit."


Napabaling naman ako sa aking harapan. Si Sir Dylan na nakaupo sa kaniyang swivel chair at pinapasadahan nang tingin ang aking suot. May suot siya ngayong reading glasses na kadalasan ko lang nakikitang suot niya kapag nasa faculty noon.



"What happened?" tanong ko sa kapatid ko pagkaupo ko sa tabi niya.

"I told you," bulong nito.


Binalingan ko ulit ang dalawang estudyante sa harap ko, pero sabay itong nagbaba nang tingin.


"Wala akong kakampihan dito kaya I need hear the both sides. Nakarating sa akin na nagkagulo kayong tatlo sa comfort room. Puwede niyo bang ikwento sa akin ang nangyari?" pagsisimula ni Sir Dylan.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now