CHAPTER 25

531 15 0
                                    

Cold


Nang nakita kong makakasalubong ko sina Ma'am Lyca at Sir Dylan ay mabilis akong napalihis sa paglalakad para iwasan sila sa hallway. Hinaharot silang dalawa ng mga nadadaanang estudyante. Mukhang gamit ni Ma'am Lyca ang bitbit ni Sir Dylan, dahil ngayon ko lang siya nakitang maraming dala. Tuwid ang tingin ni Sir Dylan sa dinadaanan kaya alam kong nakita niya ang pagliko ko. Mas pinili ko na umikot sa malayo kaysa ang makasalubong silang dalawa. Mugto at nangingitim ang ilalim ng aking mata. Nakakahiya na mapansin nila na apektado ako.



Dalawang department ang nadaanan ko bago makarating sa room at sa dalawang department na 'yon, ay narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Mas pinili ko na lang na hindi ito lingunin at nag patay malisya.



"Uhm...nakita mo na? Yung.....post sa bulletin board?" alanganing tanong ni Aloisia. Umiling naman ako at umupo sa aking pwesto. Wala akong katabi kaliwa't kanan dahil absent si Maisie ng ilang araw na. Siguro ay broken hearted pa rin siya. Hindi ko inaasahan na ganon pala kalalim ang nararamdaman niya kay Sir Dylan.


"Ano 'yon? Napansin ko kanina nagkakagulo roon."


Dinaanan ko lang ang bulletin board kanina dahil maraming kumpol na estudyante. Hindi ko na piniling makisingit


"Pinost na nila yung.....yung mga dean's lister." Nagkatinginan si Astrid at Aloisia. Nangungusap ang tinginan ng dalawa. Base sa mga tinginan nila ay masamang balita iyon sa akin.


"Wala ako?" walang ganang tanong ko. Hindi na ako magtataka dahil aminado akong napabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero deep inside masakit 'yon sa akin. Masakit na mawala ka sa pwesto mo na pinaghirapan mo. Mas masakit ang maririnig ko sa mga taong nasa paligid ko, dahil alam kong mataas ang expectation nila sa akin. Lalo na si Mommy.

"Nandoon ka, Amara. Uhm....gusto mo tingnan natin?"


Tumango naman ako kay Astrid. Kung nandoon pa rin ako, expected ko ng bumaba ako.


Konti na lang ang tao sa tapat ng bulletin board kaya mabilis kaming nakasingit. Nagtitinginan pa ang mga estudyante sa akin at palihim akong pinag-uusapan. Hindi pa rin talaga gaanong humuhupa ang issue. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang pangalan ko sa dulo. Pang 15 ako, konti na lang ay mahuhulog na ako. Napansin ko naman ang pag-angat ni Maisie at Asher. Si Maisie ang pumalit sa pwesto ko. Nakakabigla iyon na pang-apat siya, na noon ay hindi naman kasali sa dean's list.


"Ang laki ng ibinagsak niya. I told you hindi mali yung narinig ko na mahina na 'yan sa klase. Baka kaya kumakapit sa Prof," bulong ng isang babae sa gilid ko. Wala siyang binaggit na pangalan pero tamang-tama ako. Hindi na bago sa akin ang ganyang usapan kaya hindi ko na lang ito pinansin. Tama naman ang sinabi nila na humina ako, pero hindi ako kumakapit kay Sir Dylan dahil doon.


"Kayo! Ano ginagawa niyo rito!? Wala rito ang pangalan ninyo 'wag kayo mag expect!" sigaw ni Aloisia, pero mukhang hindi nasindak ang dalawang babae na pinag-uusapan ako. Nakapamewang ngayon si Aloisia at nanlilisik ang mga mata.

"Bakit? Ikaw din naman wala diyan, ah!" pang-aasar ng isa kay Aloisia. Pumagitna na ako agad bago pa man mapag-abot ang dalawa. Sa ilang beses namin napaaway ay alam kong malaking impact iyon sa grade namin.


"At least ako hindi nag expect! Hinahanap mo pa yung pangalan mo diyan. Ayon, oh! Pangalawa! Pangalawa sa dulo!" ani ni Aloisia at nakakainsultong tumawa. Nalukot ang mukha ng babae dahil sa inis. Masama ang tingin nito kaming tinalikuran.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon