CHAPTER 49

780 18 1
                                    

Habilin


"Ito ang mga profile ng bawat employees. Ito ang mga data na kailangan ireview every month. Ito ang mga contract ng mga deal." Paliwanag ko kay Charlene.



Nasa office ako at sinama ko siya dahil wala siyang pasok. Tamang araw din para maitrain ko siya.


"Naintindihan ko, Ate. Okay ka lang ba? Namumutla ka." Pag pansin ni Charlene sa aking mukha. Napalingon naman ako sa aking salamin, doon ko nakita ang halos walang kulay na aking labi. Masama ang pakiramdam ko simula kanina pag gising ko pero pinilit ko pumasok sa pag-aakalang magiging okay din ako.



"Pumunta ka kay Mateo, may ituturo siya sa'yo. Ibinigay ko na sa kaniya lahat ng gagawin mo ngayon." Utos ko. Sinadya kong hindi sagutin ang tanong nito.


Nag aalangan namang umalis si Charlene. Nag focus ako sa loptop sa aking mesa. Nang marinig ko ang pag sara ng pinto senyales na lumabas na si Charlene, ay nanghihina akong napasandal sa aking upuan. Malalim akong huminga at pumikit ng mariin.



Hindi ko alam kung ilang umaga pa ang mararanasan ko na ganito ang pakiramdam. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito maitatago sa pamilya ko at kay Dylan. Hindi ko alam kung hanggang kailan akong magpapanggap na malakas.



Para saglit na makalimutan ang nararamdaman ay inisip ko na lamang ang mga pinag-usapan namin ni Dylan. Last night we shared some thoughts. Matapang kong ibinahagi sa kaniya ang minsang sumagi sa isip ko.


"What if....hindi pala tayo?" tanong ko sa kaniya.


Kapwa kami nakahiga sa kama at nag uusap through video call. Nakasanayan namin na kahit nagkita na kami ngayon araw, pagdating ng gabi ay nag uusap kami bago matulog. At pakiramdam ko ay katabi ko lang siya tuwing ginagawa namin ito.


Kumunot ang noo ni Dylan sa tanong ko. Nakayap ito sa unan na siyang humaharang sa hubad niyang pang itaas.


"What do you mean?"


"Paano kung....mag hihiwalay pala tayo. Paano kapag tumagal na....madalas na tayong hindi nagkakaintindihan?"


Lalong nangunot ang noo ni Dylan. Halatang hindi niya nagugustuhan ang aking mga tanong.



"What are you planning, Amara? Iiwan mo ba 'ko?"


Tumawa ako pero nananatili itong seryoso.


"Curious lang ako. Gusto ko lang itanong."

Napailing ito.


"Sige na sugutin mo na. Paano kung dumating yung point na hindi na tayo magkakaintindihan?"


"Lagi kitang iintindihin. Stop it, Amara. You are making me nervous," agad na sagot nito.


Malungkot akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit ko sinasaktan ang sarili ko sa mga iniisip ko. Hindi ko hawak ang tadhana. Hindi namin alam kung hanggang saan kami dadalhin ng mga nararamdaman namin. Walang nakakaalam kung hanggang kailan kami masaya. Pero gusto ko malaman ang mga opinion niya habang okay ang relasyon namin.


"What if lang okay? What if kailangan na natin tapusin yung relationship natin kasi alam na nating hindi mag wowork. I mean....hindi isa lang ang may gusto na tapusin na lang? Yung bang....pareho nating desisyon."


Napatitig sa akin si Dylan pagkatapos nitong isubsob ang mukha sa kaniyang unan ng ilang minuto. Hinayaan ko siya dahil baka nag iisip siya ng isasagot sa akin. Hinayaan ko ang katahimikan sa aming dalawa dahil alam kong nag iisip siya ng malalim.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon