CHAPTER 3

799 21 3
                                    

Intramurals


"500 pieces lahat 'yan, ah. Kayo na bahala ni Kimmie mamaya sa labas, mauuna na kami kailangan pa namin mag make up." Pag aabot sa akin ng mga ticket ni Eury, na siyang president ng club namin.


"Sige."


Inilagay ko sa aking bag ang mga ticket at nagtungo muna sa cafeteria para mag almusal. Hindi na ako nakakain ng breakfast dahil maaga kaming pumasok para ayusin ang booth. Intramurals ngayon kaya naman ang mga nakikita kong mga estudyante ay mga naka civilian. Dalawang araw gaganapin ang intrams. Ngayon ay mga Booth lang muna at konting sports. Bukas naman ay ang paglabas ng mga Mr. And Ms. Intrams.



Habang naglalakad ako patungong cafeteria ay napansin ko ang dumi ng aking pants at sapatos mula sa mga ginamit naming materials. Buti na lang ay naisipan kong mag dala ng extra damit sa sasakyan. Yumuko ako at pinagpag ko ang puti kong sapatos na napapaligiran ngayon ng mga himulmol at glitters. Sabi ko na nga ba, maling desisyon na mag suot ako ng white shoes.


Nang matanggal ko na ang kaunting dumi ay nag patuloy ako sa paglalakad. Sa kasamaang palad pagtaas pa lang ng ulo ko ay nagtatakang tingin agad ni Sir Dylan ang nakita ko. Hindi ko alam ngayon kung tutuloy ako nang lakad o babaling ako? Pagkatapos ang nangyari sa faculty ay mas lalo akong naging iwas sa kaniya. Ni hindi ako makatingin sa kan'ya tuwing nagkaklase siya. Madalas ay pinag aaralan ko pa ulit sa bahay ang mga itinuro niya dahil hindi ako makapag concentrate tuwing klase niya. Buti na lang at hindi ako tinatawag sa recitation.


Tumuloy ako sa paglalakad at babatiin ko na lang siya ng good morning kapag nagkasalubong kami. Masyadong halatang iwas ako kung babaling ako. Lalo na't ang babalingan ko ay quadrangle.


Apat na hakbang pa ang pagitan namin ay huminto na ito. Wala akong magagawa kun'di ang huminto at batiin siya. Nakakahiya kung lalagpas lang ako.


"G-Good morning, Sir." Bati ko


Ngayon ko lalong napansin na mukha lang siyang estudyante dahil naka civilian lang din ito. Naka collar ito ng itim na hapit na hapit sa braso niya. Ang pabango nito na hindi masakit sa ilong ay tinatangay ng hangin. Walang pinagkaiba ang itsura niya sa umaga at sa hapon.


"Good morning. Mukhang wala na ang sugat mo sa noo," tugon nito at lumapit sa akin ng isang hakbang para tingnan ang mukha ko. Agad naman akong umatras dahil nakakahiyang maamoy niyang amoy pawis ako.


"Ahh...maliit lang naman po 'yon. Mauna na po ako, S-Sir."


Hindi ko alam kung naging bastos ba ako sa inakto ko. Hindi ko lang talaga kayang tagalan ang makipag usap sa kan'ya. Lalo na kung ganung kalapit. Hindi ako komportable. Para akong hihimatayin. Nanlalambot ang mga binti ko at hindi ko makontrol ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Para sa akin ay nakaka intimidate ang awra niya.


"Hi, Miss! Pwede ba akong umupo dito?"


Bahagya akong natawa kay Joaquin. May dala itong tray na may laman na pag kain. Hula ko ay maaga rin siya pumasok.


"Para kang sira, Joaquin."


Natatawa itong umupo sa harapan ko. Ang gwapo niya kahit na may butil ng pawis sa noo niya. Siguro ay may practice sila ng basketball dahil may laro sila bukas. Syempre dahil ultimate crush ko siya hindi pwedeng wala ako.


"Binilhan kita." Pag aabot nito sa akin ng sandwich.


"Oh! Thanks, nag abala ka pa."


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now