PROLOGUE

1.9K 45 3
                                    

Prologue


Nangangatog ang mga binti ko ngayon habang nakatayo sa harapan ng faculty. Pinag papawisan ako ng malamig sa kabang nararamdaman ko. Ito ang unang beses na pinatawag ako ng Prof sa faculty. I don't know what I did para ipatawag ako.


"Ano ba, Amara? You can do it! And make fast I'm so hungry na." Pag tulak sa akin ni Astrid sa pintuan ng faculty.  Tinulak ko naman siya at lumayo sa pinto.



"I can't do it. Can you please tell me....may ginawa ba akong mali sa subject ni Sir?" tanong ko sa dalawang kaibigan ko.


Humawak si Aloisia sa kaniyang baba na parang binabalikan ang nangyari kanina sa room. Wala akong maalalang ginawang mali kaya hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag.


"I think....wala naman. Ako nga may ginawang mali pero hindi ako pinatawag," tugon ni Aloisia


Pinaypay ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha para kumalma. Tatlong beses akong huminga ng malalim bago humarap muli sa pinto.


"Go girl! Hintayin sa namin dito," maarteng pahayag ni Astrid habang sinusuri ang kaniyang kuko.


Nang akma kong bubuksan ang pintuan ay kusa itong bumukas. Alam ko na para akong nakakita ng multo sa reaksyon ko. Lalo akong kinabahan nang makita ko sa gilid ng aking mata ang paglayo nina Astrid at Aloisia. Sino ba namang hindi matatakot sa terror professor na 'to? Nag salubong ang mga kilay nito habang sinusundan nang tingin ang mga kaibigan ko.


"Come." Masungit na pag papasok sa akin nito.


Sinundan ko ang pinuntahang table ni Sir Dylan. Tatlong professor ang nasa loob ng faculty pero nakalimutan ko na silang batiin dahil sa kaba ko. At busy din naman sila kaya hindi na ako napansin.


Umupo si Sir Dylan sa kaniyang swivel chair at isinuot nito ang kaniyang eye glasses. Nakatayo lamang ako sa gilid ng table habang hinihintay ang sasabihin niya. Mag kasiklop ang aking mga kamay habang pinag mamasdan ang ginagawa nito. Kunot noo itong nag bubuklat ng folder. Ngayon ko lang natitigan ng ganitong katagal si Sir Dylan. He looks like a hot super model. That's why he is the most famous professor here in our University.


Napakurap kurap ako nang bigla itong nag taas nang tingin sa akin. Napasobra yata ang titig ko.


"Sit." Turo nito sa upuang nasa harapan ng table niya.


Nakayuko akong sumunod sa utos niya. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa mukha niya. Ayaw pa naman niya ng ganon. Naalala ko noong nagalit siya ibang kaklase ko. Aniya ay hindi sa kaniya dapat tumingin kun'di sa white board. Ayaw niya nang tinititigan siya. Ang gusto niya ay doon tumingin sa sinusulat niya. Pero kapag tapos na ang klase, okay naman siya. Nakikita kong nakikipag biruan siya sa ibang estudyante. Pero kahit kailan ay hindi ko siya nakabiruan. Kung titingnan mo nga ay para lang namin siyang kaklase. I think 25 years old? He still young, hot, and.... hot ulit?



"May problema ka ba sa subject ko, Amara?" tanong nito habang may sinusulat. Ang ganda ng sulat niya parang dumaan sa printer.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon