CHAPTER 12

574 18 1
                                    

Boyfriend

"Why she suddenly hates you a lot?" tanong ni Astrid.

Kinuwento ko sa kanila ang naging interaksyon namin ni Ma'am Lyca sa faculty. Sobrang obvious naman na pinag-iinitan niya 'ko. Sa mga ngisi at matataray na tingin niya sa akin ay mahahalata na.

"Maybe....she's jealous?" patanong na sagot ni Aloisia habang inaayos ang gamit sa likod ng sasakyan. Ngayon kami pupunta sa Tangadan falls at nauna roon ang iba naming kasama.



"What?" nagtatakang tanong ko.


Bakit siya magseselos? At kanino siya magseselos? Sa amin ni Sir Dylan? Wala naman kaming ginagawang masama. Ni hindi nga kami close non sa school. Bukod sa ngitian at batian tuwing nagkakasalubong ay wala na. Normal lang naman iyon dahil, alangan naman hindi ko siya igalang bilang Prof. Oo, iba ang dating sa akin ng mga ngitian namin pero alam kong sa tingin ng iba ay normal lang iyon. Walang malisya dahil ginagawa rin iyon ng ibang estudyante sa kaniya.


"Don't mind that, Amara," nakangiting sagot ni Aloisia bago isara ang pinto ng sasakyan


Pumasok na rin ako sa front seat ng sasakyan at sa driver seat naman si Astrid. Siya ang driver namin ngayon dahil siya ang may alam ng daan sa Tangadan Falls. Kasunod naman namin ang isang sasakyan kung nasaan ang bodyguard ni Aloisia. Nothing changes, her bodyguard is always with her.


"Hinto ka diyan, Astrid, dadaanan natin si Maisie saka si Carra."


Huminto nga si Astrid kabilang kanto para daanan ang dalawa. 15 kaming natuloy sa Tangadan Falls. 8 girls and 7 boys, ang iba ay nandoon na.

"Hi!" Pag pasok ni Carra at Maisie.

Ningitian ko naman silang dalawa. Mukhang turista si Carra sa dalang malaking subrero, samantalang si Maisie naman ay katulad ko na naka T-shirt at shorts lang. Naka two piece ako sa ilalim ng suot ko pero wala akong balak alisin ito. Sina Astrid at Aloisia naman ay mamaya raw mag papalit.


"Ano 'yang dala mo, Maisie?" tanong ni Aloisia kay Maisie kaya naman napalingon din ako. May kandong si Maisie na isang kahon na hula ko ay cake ang laman.

"Uhm....cookies. Nahihiya ako na walang dala kaya nagbake ako ng cookies sa bahay ng Tita ko," nahihiyang pahayag ni Maisie.


"Ano ka ba? Kami nga rin walang dala. Sagot ni Joaquin lahat," nakangiting tugon ko.


Sabi ni Joaquin ay siya na raw ang bahala sa lahat. Sa pagkain at pati sa alak na request nila Neil ay siya ang sumagot. Hindi naman na umalma sina Aloisia dahil pabor sa kanila 'yon.


Pagdating sa Tangadan Falls ay ang malinaw nitong tubig ang bumungad sa amin. Nakakaakit ang malakas na pagpagsak ng tubig dito. May karamihan ang mga naliligo, mapabata o matanda. May mga turista rin na nakabalandra ang mga magagandang hugis ng katawan, suot ang kanya-kanyang swim wear. Pinarada muna ni Astrid ang sasakyan sa tabi ng sasakyan nina Neil kung saan sila naghihintay sa amin.

Bumaba kami sa sasakyan at pumunta sa mga kasama. Mukhang mga naligo na sila dahil basa ang kanilang mga buhok at topless na ang iba. Meron na ring nakalatag na tela sa batuhan kung saan nandoon ang mga pagkain. Ayos na pala ang lahat, kami na lang ang kulang.


"Ang tagal niyo! Mukhang naligo pa si Astrid ng isang oras, eh, maliligo rin naman dito." Reklamo ni Neil habang kumakain ng barbecue


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now