CHAPTER 18

536 15 0
                                    

Dance


"Hoy, Aloisia! Ano eneemote mo diyan? Wala kang balak mag lunch?" tanong ni Astrid kay Aloisia. Napahinto naman ako sa pagliligpit ng gamit ko para tingnan siya. Nakasimangot itong nakatingin kay Astrid.


"Wala akong assignment kay Sir Dylan," tugon ni Aloisia.


Akala ko naman ay may problema siya. Namumugto kasi ang mata niya pero aniya ay nahilam lang kanina sa pagligo niya.

"Pakopyahin na lang kita."


Nagningning ang mata ni Aloisia dahil sa sinabi ko.


"T-Talaga? Hala nakakahiya naman. Sa activity 5&6 lang naman."


Inismiran ko na lang siya. Kunwari pang nahihiya pero mamaya halos lahat ng sagot ko kukunin na.


Bitbit ang bag at isang aklat ay lumabas kaming tatlo nila Astrid para mag lunch. Napatigil lang ako nang biglang sumulpot si Joaquin sa gilid ko. Bitbit nito ang bag sa isang balikat at malaking ngiti ang ibinigay sa akin.


"Can we eat lunch together?" nakangiting tanong nito. Napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan na naghihintay sa akin. Hindi alam ang magiging sagot ko kay Joaquin. Wala kasi kaming usapan.


"Uhm....."


"Sure, Joaquin! Daanan na lang namin siya mamaya sa cafeteria. Bye girl!" ani ni Astrid at mabilis na hinatak si Aloisia paalis. Nakita ko pa na nag alangan si Aloisia na iwan ako.


"Bakit hindi kita macontact kagabi?" tanong ni Joaquin habang tinatahak ang daan papuntang cafeteria. Ang mga nadadaanan naming estudyante ay napapatingin talaga sa amin. Nakita ko pa ang isa na simpleng kinuhanan kami ng picture. Hindi na ako magtataka kung makikita ko ang picture namin sa isang page ng school.


"A-Ahh.......na lowbat ako." Pag sisinungaling ko.


Sinadya ko talagang patayin ang cellphone ko kagabi. Hindi ko kasi matiis ang sarili ko na hindi tingnan iyon bawat oras. Parang may hinihintay akong mensahe na dadating kahit wala naman akong inaasahan. Para makatulog ako at mawala ang pag-iisip doon ay pinatay ko na lang. Lumalayo ako sa posibilidad na mangyari pero minsan ay hindi ko nakokontrol ang sarili ko, dahil parang gusto lumapit sa hindi maaaring mangyari.


"Sayang ang dami ko pa namang kwento sa'yo......."


Nawala ang atensyon ko kay Joaquin nang makita ko si Sir Dylan, na naglalakad bitbit ang isang aklat. Hindi na ako nakasabay sa mga sinasabi ni Joaquin dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa pagkontrol ng nararamdaman ko ngayon. Parang bibigay ang aking mga tuhod nung mag kasalubong ang aming mga mata. Nanlalambot ang aking kalamnan sa mga titig niya. Ngunit hindi ko iyon matagalan titigan. Napatingin na lamang ako sa aking paanan. May kung anong bumabara sa aking lalamunan.


Gusto ko ibalik ang espasyo naming dalawa ni Sir Dylan. Katulad noong hindi pa kami nag uusap. Natatakot ako sa banta ni Ma'am Lyca. Natatakot ako na magkatotoo iyon. May anak na binubuhay si Sir Dylan kaya hindi siya pwede masangkot sa ganong isyu. Mas okay na siguro ito, malalayo siya sa isyu at ako ay mailalayo sa maling pakiramdam na sumisibol sa akin. Siguro mas ayos kung itutuon ko na lang ang atensyon ko kay Joaquin.


"Na meet ko yung Mommy mo yesterday. Tinanong niya ako kung tayo na raw." Kwento ni Joaquin na sinamahan ng mahinang tawa.


"Si Mommy talaga. Huwag mo na pansinin 'yon," nahihiyang tugon ko.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon