CHAPTER 13

556 14 0
                                    

Tell me your secrets


Mariin kong itinabon ang unan sa aking mukha para makatulog na. Napabangon na lang ako at napasabunot sa aking buhok. Hindi ako pinatutulog ng mga nangyari kanina. Paulit-ulit akong binabagabag ng mga ito. Pabagsak kong inihiga ang aking katawan at napatulala sa kisame. Dahil sa larong naimbento nila kanina ay hindi ako mapakali ngayon. Pabalik-balik sa isip ko ang mga ginawa at mga sinabi nila.


"Let's play a game!" Pag aya ni Carra.


Nakapabilog kami sa malaking bato habang nag iinuman ang iba. Madalas ang pagdako nang tingin ko sa kabilang pwesto kung nasaan sila Sir Dylan. Mukhang nag iinuman din ang iba sa kanila at nagkakasiyahan. Nakikita ko ang madalas na pag haplos ni Ma'am Lyca sa hita ni Sir Dylan, minsan ay nakasandal naman. Tuwing gagawin iyon ni Ma'am Lyca ay napapatingin sa gawi namin si Sir Dylan, agad naman akong nag papanggap na nahahagip lang sila ng mata ko.


"Anong laro? Suck or lick?" tanong ni Neil.


Agad namang nag react ang mga babae sa nakakadiring tanong niya.


"Pag pasyensyahan niyo na si Neil, iyan lang alam niyang laro," iiling-iling na pahayag ni Aloisia


"So ganito yung laro...." Kumuha si Carra ng isang bote ng alak na walang laman at inilagay sa gitna naming lahat. Pati ang mga lalaki ay naging interesado sa laro.


"Truth or dare pero may twist. Kapag truth ang pinili mo......ang gagawin mo ay mag s-share ka ng isang secret mo." Paliwanag ni Carra.


Mukhang mahirap ang laro dahil kapag nag lalaro kami nito ay laging truth ang pinipili ko. Mas lalong ayoko mag dare ngayon dahil baka puro kalokohan ang alam nila.


"Gets?" tumango naman kaming lahat kay Carra.


"Ayain kaya natin si Sir? Mukhang gusto sumali, kanina pa tingin nang tingin, e," bulong ni Aloisia sa akin.


Napabaling ulit ako sa kabilang grupo pero si Ma'am Lyca ang naabutan kong nakatingin sa akin. Nag panggap na lang ulit ako na napatingin lang. Pinanood ko na lang ang bote sa gitna namin na hinihintay huminto sa pag ikot.


Unang tumapat kay Neil.


"Truth!" nakangising saad ni Neil.

"Okay, share your secret."


Ngingisi-ngisi si Neil kay Aloisia kaya napabaling din ako kay Aloisia. Masama itong nakatingin kay Neil.


"Aloisia kissed me!" proud na pahayag ni Neil. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aloisia. Nang akma nitong ibabalibag ang bote kay Neil ay pinigilan ko na ito.


"Hoy! FYI hindi kita hinalikan! Aksidente lang 'yon dahil natisod ako! Akala mo naman gusto kitang halikan, kadiri ka! Hindi ka nga marunong mag toothbrush! Asa ka sa mouth wash!" nang gigigil na sigaw ni Aloisia kay Neil.


"Hoy ka rin! Pwede ka nga matulog dito sa bunganga ko e," tatawa-tawang tugon ni Neil.


Itinuloy naman ni Carra ang pag papaikot ng bote. Nakuha ang atensyon ko ng kabilang grupo dahil sa sigawan nila. 'Body shot' ang isinisigaw ng iba. Nakita ko ang pag iling ni Sir Dylan kay Ma'am Lyca. Mukhang nag lalaro sila ng body shot at si Sir Dylan ang gagawan non. Paulit-ulit na umiling si Sir Dylan kay Ma'am Lyca at lumalayo rin ito.


"What? sa leeg lang naman!" tumatawang sabi ni Ma'am Lyca.


"Sa'yo tumapat Joaquin!"


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now